^

Dr. Love

Dahil sa picture ng ex

-

Dear Dr. Love,

Anim na buwan pa lang po kaming kasal ng aking mister. Dama ko na mahal ako ng aking asawa at gayundin naman ako sa kanya. Pero bigla po ako nagkaroon ng agam-agam na nagpakasal lang siya sa akin dahil nagbunga ang aming kapusukan. Isang buwan na akong nag-miss ng men’s nang ikasal kai ni Harry.

Hindi ko naman sapilitang ipinanagot sa kanya ang sanggol pero nagdesisyon na siyang mamanhikan at itakda ang aming kasal nang malaman niya ang kalagayan ko. Nakita ko po ang kanyang tuwa nang malaman na magkaka-baby na kami.

Nagsimula akong magselos nang husto at magkaroon ng insecurities nang makita ko ang picture ng unang kasintahan ng mister ko na nasa album sa kanilang bahay. Kasama ito ng mga la­rawan ni Harry mula nang siya ay bata hanggang magtapos sa kolehiyo.

Maganda ang unang nobya ni Harry at ipakilala na niya ito noon sa mga magulang. Hindi naman niya ito inilihim sa akin. Ang tanging paliwanag niya, nagkasira sila ni Marlyn dahil sa makasarili raw ito. Gusto niyang sumali sa kanyang relihiyon si Harry.

Hindi ko naman inaway ang mister ko tungkol dito. Nagsimula lang akong magtatanong tungkol sa kanyang ex at tinatawanan naman niya ako. Dahil wala raw ibang kahulugan ang litratong iyon. Ang isipin ko raw ay ako ang kanyang pinakasalan at hindi si Marlyn.

Nais ko pong itanong sa inyo, kung may dahilan nga ba ako para magduda sa asawa ko na hindi pa niya nalilimutan ang una niyang nobya? Hindi ko po naman nais palakihin ang sigalot na ito naming mag-asawa.

Payuhan mo po ako.

Maraming salamat,

Insecured wife

 

Dear Insecured Wife,

Huwag mong pasamain ang loob mo dahil sa nakitang picture ng ex ng asawa mo. Panghawakan mo ang assurance niya na walang ibang kahulugan kung nasa album niya ang picture. Dahil ikaw ang kanyang pinakasalan at piniling makasama habang buhay. At ang matibay na katibayan ng pagmamahal niyang ito sa iyo ay ang darating ninyong baby.

Para sa kapanatagan ng iyong kalooban, subukan mo i-request sa asawa mo na tanggalin ang picture sa album. Natitiyak ko na walang pag-aalinlangan niyang pagbibigyan ang pakiusap mo dahil mahal ka niya at ang inyong magiging anak.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR INSECURED WIFE

DR. LOVE

HUWAG

INSECURED

MARLYN

NAGSIMULA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with