Dear Dr. Love,
Greetings! Gusto kong malaman mo na isa ako sa libo-libong nagbabasa ng iyong popular na column.
Tawagin mo na lang akong Liz, 26 anyos na sa batang gulang ay isa ng biyuda.
Nalulong sa droga ang mister ko at biktima siya ng pamamaril may limang taon na ang nakalilipas. Isang taon lang kaming nagsama at wala kaming naging anak.
Ngayon ay may bago na ako boyfriend. Mabait at good looking. Three months pa lang kami. Bata siya ng three years sa akin.
Mahal ko siya pero nabalitaan kong gumagamit siya ng shabu. Tinanong ko siya kung totoo at umamin siya.
Nangako siyang magbabago at titigil na. Pero sa pagkaalam ko, ang isang taong nalulong sa droga ay mahirap magbago. Dapat ko ba siyang hiwalayan na?
Liz
Dear Liz,
Bigyan mo siya ng tsansang magbago. Ganyan ang pagmamahal. Pero dapat talagang tapat siya sa pangakong magbabago.
Obserbahan mo siya at malalaman mo naman kung talagang magbabago siya.
Kung sa kabila ng pangako ay hindi siya magbabago, mas mabuting hiwalayan mo na lang siya.
Dr. Love