^

Dr. Love

Pindeho

-

Dear Dr. Love,

Isa po akong bilanggo at kasalukuyang pinagsisilbihan ang maraming taong sentensiya na iginawad sa akin ng Korte. Nakapatay po ako ng tao, pinsan ko na kasamang nagtaksil ng misis ko.

Nagtatrabaho po ako sa Maynila, ang asawa ko naman ay naiwan sa aking mga magulang. Wala kaming anak dahil alam ‘kong baog ako. Natuklasan ko ang katotohanang ito sa isang medical check up sa aming opisina. Noong bata pa ako nagkaroon ako ng diperensiya sa kasarian at nang maoperahan ako, hindi pala nai-correct ito sa aking pagkalalaki. Hindi ko pa ito sinasabi sa aking asawa.

Kaya malaking pagkabigla para sa akin ang kanyang pagdadalan-tao, na ipinaniwala niyang sa akin. Pero nang lumaon ay natuklasan ko na may relasyon sila ng aking pinsan. Minsan sa pag-uwi ko, wala ang aking asawa. May nakapagsabi na nakita nilang magkasama ang pinsan ko at ang misis ko sa bayan. Natiklo ko sila sa isang motel sa aktuwal na pagpugay sa aking dangal. Mga tatlong buwan na noon ang dinadala ni misis.

Sa silakbo ng galit, nakagawa ako ng hindi ko inaasahan. Hindi ko sinasadya ang krimen, pero natalo ako sa korte. Wala akong alam na atraso sa aking kapwa. Ang mali ko lang, masyado ‘kong minahal ang aking asawa at pinahalagahan ang dangal ko bilang isang lalaki.

Mula habang buhay na pagkabilanggo, napababa po ang sentensiya ko. Sa mga napagdaanan ‘kong ito ay ganap akong mapatawad ng Diyos.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy na pagtatagumpay ng inyong column.

Gumagalang,

Daniel

Dear Daniel,

Tunay na hindi madaling dalhin ang sakit ng pagkapindeho. Pero nangyari na ang mga nangyari, ang mahalaga ay ma-realize ang pagkakamali, pagsisihan ito at magbagong-buhay. Dahil mas mahalaga ang hinaharap kaysa ang mga lumipas nang kabanata ng ating buhay.

Magpatuloy ka sa iyong pagpapakabuti diyan sa loob para lalo pang mapagaan ang iyong sentensiya. Sikapin mo rin na mapaunlad ang sarili habang nariyan ka sa bilangguan para may paghugutan ka ng kabuhayan kapag nakalaya ka na.

Para mas maging madali ang iyong pagtahak sa matuwid na landas, samahan mo ng dasal ang bawat mong paghakbang. Mahabagin ang ating Panginoon, kaya manatili tayo sa Kanyang mapagpatawad na kandungan.

DR. LOVE

AKING

AKO

DAHIL

DEAR DANIEL

DIYOS

DR. LOVE

GUMAGALANG

ISA

PERO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with