^

Dr. Love

Tutol mag-asawa muli ang daddy

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Queenie, 17-anyos­ at nag-iisang anak.

Taong 2009 nang mamatay ang nanay ko sa isang aksidente.

Mag-isa akong inalagaan ng aking daddy. Alam kong mahal na mahal niya ako.

Pero last year, nagkaroon siya ng girlfriend at ngayo’y balak nilang magpakasal.

Hindi ko matanggap ito, Dr. Love. Mahal ko rin ang aking namatay na mommy at ayaw ‘kong magtaksil sa kanya si daddy.

Sabi ko kay daddy, lalayas ako kapag nag­pakasal siya. Nalungkot ang daddy ko at dahil mahal niya ako, nakipag-break siya sa girlfriend niya.

Kaso, nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang­ malungkot at walang ganang kumain. Alam ‘kong malungkot siya sa pakikipag-break niya sa girlfriend niya.

Kahit ano ang gawin ko ay ibang-iba siya. Walang sigla. Ano ang gagawin ko?

Queenie

Dear Queenie,

Tingin ko’y nagseselos ka lang sa girlfriend ng daddy mo. Dalaga ka na at iibig din balang araw at malalaman mo ang nadarama ng iyong daddy.

Limutin mo ang selos at isipin mo ang kali­gayahan ng iyong ama. Sabihin mo sa kanya, ba­li­kan ang kanyang girlfriend at payag ka nang magkaroon ng ikalawang ina.

Walang makakapalit siyempre sa tunay na ina pero kung saan maligaya ang daddy mo ay luma­gay ka rin doon.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANO

DADDY

DEAR QUEENIE

DR. LOVE

KAHIT

KASO

QUEENIE

SHY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with