Dear Dr. Love,
A pleasant greeting to you and your legion of readers.
Hide me under the pseudonym Heart. I am sweet-sixteen and for the first time, I believe that I am in love with our new neighbor.
Just call him Ravier. First time ko pa lang makita siya ay tumibok na ang puso ko.
Kaso parang hindi ako pansin kahit anong pa-charming ang gawin ko.
Nalaman ko na varsity swimmer siya sa kanilang university kaya pala maganda ang katawan niya.
Ano ang gagawin ko para mapansin ako ni Ravier?
Heart
Dear Heart,
Makipagkaibigan ka muna sa kanya pero huwag kang magbigay ng ni-katiting na hint na type mo siya.
There are many ways para ma-befriend mo siya. Baka naman may kaibigan ka na nakakakilala sa kanya. If possible kaibigang babae na mapagkakatiwalaan mo para hindi ka ibuking na may gusto sa kanya.
Mahirap ang kalagayan ng babae kasi hindi magandang siya ang nanliligaw. Although sa modernong panahon ay may gumagawa ng ganyan.
Kung liligawan ka niya ay depende sa situwasyon. Huwag sasama ang loob mo kundi ka niya ligawan dahil wala siyang gusto sa iyo.
Dr. Love