^

Dr. Love

Ayaw nang maging mistress

-

Dear Dr. Love,

Hindi ko po inaasahang hahantong sa napaka­laking problema ang nagawa kong pagkakamali na umibig sa isang may asawa.

Noong maliliit pa ang dalawa kong anak, madaling magpaliwanag kung bakit malimit na hindi umuuwi ang kanilang ama. Laging busy sa trabaho, sa ipinupundar na negosyo. Pero nang magbinata na ang mga ito, saka nila natuklasan ang totoo. Na ako ay mistress o the other woman.

Naging masalimuot ang pagkakatuklas nila ng katotohanan. Pinuntahan nila ang tunay na pamilya at sa pag-aakalang ito ang nang-aagaw, kinausap ng mga anak ko ang tunay na asawa at sinabing hiwalayan ang kanilang daddy dahil may tunay itong pamilya.

Pero para raw silang sinampal nang sabihin ng asawa ni Ray na ako ang nang-agaw at ang aking mga anak. Dahil dito, humingi ng paumanhin ang mga anak ko, maging sa dalaga at binata na ring anak ni Ray.

Kasunod nito ang komprontasyon sa pagitan naming mag-iina, ipinagtapat ko sa kanila na totoo ang nalaman nila. Sa galit tungkol dito ay nagwala ang mga anak ko, nalulong sa barkada at illegal drugs. Ini-rehab sila at dahil nahinto sa pag-aaral, nagpasya si Ray na ipadala ang mga anak ko sa abroad para doon magbagong-buhay.

Malayo kami ngayon kay Ray dahil naiwan siya sa Pilipinas. Nakatira kami sa binili niyang bahay. Pero husto ang sustento at binibisita niya naman kami.

Pagpayuhan mo po ako, nawala na ang respeto ng mga anak ko sa kanilang daddy. Gusto ko na rin po magbagong-buhay at ibalik si Ray sa tunay niyang asawa. Pero inaalala ko po, paano ang mga anak ko? Masalapi si Ray at marahil isa rin ito sa dahilan ng pakikisama ko sa kanya.

Maraming salamat at more power.

Gumagalang,

Shirley

Dear Shirley,

Gaano man ang kabutihan na naidudulot ng pakikisama mo sa lalaking pamilyado, hindi nito maba­bago ang katotohanan na mali ang ginagawa mo at nadadamay sa epekto nito ang mga anak mo.

Kung talagang mahal mo sila, itutuwid mo ang maling pakikipagrelasyon. Putulin mo ang nagi­ging pananaw ng mga anak mo na sila ay bunga ng pang-aagaw mo. Dahil tanggapin mo man o hindi, ang pang-aagaw na ginagawa mo ay nararamdaman din nila. Ang sakit na dulot nito ang nagtulak sa kanila para sirain ang buhay nila.

Maaaring hindi magiging madali ang pagsisi­mula na kayo lang, pero sa kalaunan pakikinaba­ngan ninyong mag-iina ang mga biyaya sa pamumuhay ng matuwid. Kasama mo ako sa panala­ngin na matamo ninyong mag-iina ang tunay na kali­gayahan sa buhay. God bless you!

Dr. Love

ANAK

DAHIL

DEAR SHIRLEY

DR. LOVE

GAANO

GUMAGALANG

INI

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with