Dear Dr. Love,
Isang magandang araw ang aking bati sayo at sa lahat ng mga tagasubaybay ng iyong pitak.
Sumulat po ako sayo dahil gusto ko i-share ang aking kwento at mabigyan ng linaw ang lahat.
Ako po si Steffi, 21 years old at single sa kasalukuyan. Nine months na po kaming hiwalay ng aking ex-boyfriend pero hanggang nga yon ay mahal ko pa rin siya. Walang araw na hindi ko siya iniisip at dahil dun hirap pa rin akong maka-move on sa nangyari. ‘Yun din po ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumatanggap ng manliligaw.
Dr. Love gusto ko na po magkaroon ng boyfriend pero hindi ko po magawa dahil ‘yung mga katangian niya ang hinahanap-hanap ko. Minsan po naiisip ko na baka nami-miss ko lang siya.
Halos limang buwan na po na hindi ko siya nakikita at sa totoo lang, hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin siya kahit na nga nababalitaan ‘kong may iba na siyang girlfriend.
Sa tingin n’yo po ba ay dapat pa akong maghintay sa kanya? Sana po ay mapayuhan ninyo ako.
Maraming maraming salamat at more power sa inyong pitak.
Lubos na gumagalang,
Steffi Coronel
Dear Steffi,
Love is a two-way street. Ang minamahal mo dapat nagmamahal din sa iyo. Kung hindi ito’y useless na pag-ibig.
Masakit at mahirap mang gawin, dapat kang lumimot. Maghihilom din at gagaling ang sugat pagdating ng tamang panahon.
In the meantime, go socializing. Be friendly to guys at sa pag-asang matatagpuan mo ang makapagbabalik ng tibok ng iyong puso.
Tulad ng madalas ‘kong sabihin. Life goes on, so move on.
Dr. Love