^

Dr. Love

Tinangay ang 2 anak

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Ramon, 31 anyos at hiwalay sa asawa. Hindi kami kasal ng dati kong ka-live in pero may dalawa kaming anak.

Nang maghiwalay kami, dinala niya ang dalawang bata at nagdamdam ako dahil mahal ko ang aking mga anak.

May asawa na siyang iba at may anak na rin siya roon. Ang masakit, iba ang kinikilalang ama ng aking mga anak.

Puwede ko po ba silang bawiin sa ilalim ng batas?

Ramon

Dear Ramon,

Kung hindi kayo kasal, sa palagay ko ay wala kang karapatan sa mga bata. Sa ilalim kasi ng family code, laging babae ang may karapatan sa mga anak niya kung hindi siya kasal sa lalaking kinasama.

Ituring mo na lang na closed chapter ang nangyari sa iyo. Masakit man na nawala sa poder mo ang mga anak mo, hindi dapat tumigil sa pag-inog ang mundo mo. Move on.

Bata ka pa naman at puwede ka pang bumuo ng bagong pamilya sa bagong babaeng mamahalin mo.

Dr. Love

ANAK

BATA

DEAR RAMON

DR. LOVE

ITURING

MASAKIT

NANG

PUWEDE

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with