^

Dr. Love

Dahil sa paglilihim ng nobya

-

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ako sa pangalang Henry, taga Cavite. Gusto ko po ibahagi ang karanasan ko sa pag-ibig kung saan naging malaking dagok sa akin ang paglilihim ng babaeng minahal ko.

Nakapatay po ako dahil sa pag-aakalang ipinagtatagol ko sa isang rapist ang aking nobya nang minsang magsadya ako sa kanilang lugar. Narinig ako ang boses ni Xinia na nakikipagtalo sa isang lalaki at ikinabigla ng husto nang datnan nakahubad sa sitwasyon iyong ang nobya ko.

Kaya sa kabilaan at matinding udyok ng galit dahil sa paniniwalaang nire-rape ang nobya ko ay binunot ko ang balisong na lagi kong dala at pinagsasaksak ang lalaki hanggang mapatay. Natulala naman sa pangyayari si Xinia.

Pero malaking pagkakamali pala ang lahat, Dr. Love dahil hindi rapist ang aking napatay kundi customer ng nobya ko. Nagbebenta pala siya ng aliw. Nakakulong ako dahil dito. Pero napatawad ko na si Xinia, na balitaan kong umalis na ang buong pamilya sa kanilang lugar. Pinagsisihan ko na rin ang buhay na inutang ko sa Diyos.

Maraming salamat po sa pagbibigay pansin ninyo sa liham kong ito.

Gumagalang,

Henry

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Henry,

Hinahangaan ko ang pagmamahal at pusong mapagpatawad mo, Henry. May pagkakataon nga lang na parang mapaglaro ang tadhana. Dahil ang tapat na damdamin na inilalaan ay hindi natutumbasan. Natitiyak ko na nakakaramdam din ng guilty feelings ang nobya mo. Kaya lumayo ito bilang paraan ng pagsisisi niya dahil sa sinapit mo.

Ituloy mo ang pagpapakabuti at laging alalahanin ang leksiyong iniwan ng karanasan ito sa buhay mo. Lagi mo rin hingin ang patnubay ng Diyos para sa kakailanganin mong katatagan sa paglaya mo. God bless you!

DR. LOVE

CAMP SAMPAGUITA

CAVITE

DAHIL

DEAR HENRY

DIYOS

DR. LOVE

KAYA

MUNTINLUPA CITY

PERO

XINIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with