^

Dr. Love

Nanloko ng Arabo

-

Dear Dr. Love,

Nalaman ko po na may column na Dr. Love mula sa isang friend. Mula noon ay lagi ko nang binabasa ito dahil nakakapulutan ko ng aral.

Tawagin mo na lang po akong Josie, isang dating OFW. May asawa na ako pero wala pang anak.

Nang ako ay nasa Bahrain, nagkaroon ako ng boyfriend na isang Arabo. Hindi ito alam ng mister ko. Pero ni minsan ay hindi ako nagpagalaw sa kanya kahit pinipilit niya ako. Sabi ko kung mahal niya ako ay igagalang niya ako, na ginawa naman niya.

Ewan ko kung bakit ginawa ko ito. Siguro dahil sa matinding pangungulila na may halo na ring respeto sa aking estado bilang may-asawa kaya hindi ako nagpagalaw.

Hindi ko naman mahal talaga ang Arabong iyon. Sabi ko matatapos din ang kahibangang iyon kapag umuwi ako ng Pilipinas.

Nagulat ako nang sabihin niya sa akin sa facebook na pupunta siya ng Pilipinas at ma­kikipagkita sa akin. Nakatakda siyang dumating sa March 2. Natatakot ako. Ano ang gagawin ko? Nalaman niya ang address ko mula sa aking­ dating kasamahan.

Josie

Dear Josie

Sumagot ka sa facebook. Sabihin mo ang totoo o kaya, sabihin mo na nag-asawa ka na nang magbalik sa Pilipinas para hindi naman masyadong magdamdam dahil niloko mo siya.

Magsilbi sanang aral ang kasaysayan mo sa ibang OFW, babae man o lalaki. Importante ang faithfulness sa mag-asawa at ang pagta­taksil ay karimarimarim sa mata ng Diyos­.

Kahit hindi ka nagpagalaw, pagtataksil pa rin ang ginawa mo.

Dr. Love

AKO

ANO

ARABO

ARABONG

BAHRAIN

DEAR JOSIE

DR. LOVE

NALAMAN

PILIPINAS

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with