^

Dr. Love

May kapansanan sa isip ang asawa

-

Dear Dr. Love,

Hindi ko na pakakahabaan ang sulat ko. Tawagin na lang ninyo akong Elsa, 40 anyos. Ang problema ko ay ang aking asawa. Magmula nang mamatay sa isang aksidente ang aming 7 taong gulang na anak na lalaki, tatlong taon na ang nakararaan, nagpapakita na siya ng kakatwang behavior.

Noong una’y natutulala siyang bigla at radikal ang pagbabago ng kanyang ugali. Kung minsa’y sobrang saya, minsa’y sobrang lungkot.

Tinatangka ko siyang aliwin sa pamamagitan ng mga positibong salita pero madalas ay parang wala siya sa sarili at hindi iniintindi ang sinasabi ko.

Nababahala po ako Dr. Love baka siya’y nababaliw. Ano po ang gagawin ko?

Elsa

Dear Elsa,

Kailangan niya ay professional help ng isang psychiatrist. Huwag ka nang mag-atubili at ipasuri mo agad siya para maagapan.

Baka lumubha ang sakit niya sa isip at dumating sa puntong hindi na magagamot.

Ang dinaranas niya ngayon ay ma­tinding depression na posibleng humantong sa tuluyang pagkabaliw kung hindi maaagapan.

Dr. Love

ANO

DEAR ELSA

DR. LOVE

ELSA

HUWAG

KAILANGAN

MAGMULA

NABABAHALA

NOONG

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with