^

Dr. Love

Charge to experience

-

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Nangahas akong lumiham­ sa iyo dahil sa isang problema sa puso.

Tawagin mo akong Girly, 19 anyos at ini­wanan ng boyfriend matapos maangkin ang aking pagkababae.

Si Raffy ang unang boyfriend ko. Pinagkatiwalaan ko siya pero hindi ko akalaing magagawa niya ito sa akin.

Matapos ang gabing inangkin niya ako’y hindi na siya nagpakita sa akin. Ang balita ko’y nagtungo na sa Canada kasama ang pamilya.

Dalawang buwan na siyang wala sa buhay ko at minsa’y naiisip kong wakasan na ang aking­ buhay.

Pagpayuhan mo po ako.

Girly

Dear Girly,

Charge it to experience iha. Sabi nila, malupit na guro ang karanasan. Ibibigay muna ang pagsusulit bago ang aral.

Hindi dahilan iyan para kitlin ang sarili mong buhay. Hindi dapat tumigil ang inog ng mundo dahil lamang sa isang masaklap na karanasan.

Sana’y naging aral sa iyo ang karanasan mo at sa susunod ay magiging maingat ka na sa pagpasok sa ganyang relasyon.

Utak ang pairalin at hindi laging puso dahil ang puso’y mandaraya at nakagagawa ng desis­yong maaari mong ikapahamak.

Dr. Love

vuukle comment

DALAWANG

DEAR GIRLY

DR. LOVE

IBIBIGAY

MATAPOS

NANGAHAS

PAGPAYUHAN

PINAGKATIWALAAN

SABI

SI RAFFY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with