Isang babalikan, isang iiwanan
Dear Dr. Love,
I’m Heart, 19 years old. I really love reading your column at ang dami kong napupulot na aral. Let me share my own story at payuhan n’yo rin po ako.
At the age of 15, nagmahal na po ako at nasaktan. Ako po ay 18 years old na ngayon at may karelasyon. January last year naging kami. Nagkaroon po siya ng ibang girl nito lang March noong nagbakasyon siya sa Tita niya sa Laguna.
Nang bumalik siya at magpasundo sa akin, nag-sorry siya at nagkapatawaran kami. Pero isa pang pagkakamali ang nangyari. Ako naman po nagkaroon ng relasyon sa iba nung lumayo papunta sa Manila ang boyfriend para mag-aral. Hindi ko po intensiyon gumanti. Inamin ko po ito sa boyfriend ko at pinatawad niya ako.
Ang ikinababahala ko po ay hinahanap-hanap ko ‘yung guy. Ang totoo po, minahal ko na rin siya sa loob ng 1 buwang relasyon namin.
Hindi ko po maintindihan ang nararamdaman ko. Lagi ko po siya hinahanap, tine-text. Gusto ko siya makausap. Sana po pagpayuhan ninyo ko.
Salamat po! God bless!
Heart
Dear Heart,
Alam mo siguro ang kasabihang hindi puwedeng mamangka sa dalawang ilog ‘di ba? Nagkamali ang unang boyfriend mo at nagka-siyota ng iba pero tinapos na niya ang relasyon at binalikan ka niya.
Sinasabi mong hindi mo intensyong gumanti pero ano pa ‘yung ginawa mo? Nag-boyfriend ka ng iba at ngayo’y sinasabi mong may feelings ka na rin sa lalaking ‘yon kahit nakipag-break ka na.
Make up your mind. Palagay ko maling mali na umibig ka sa dalawang lalaki. Iwanan mo ang isa at ibigin mo ang isa. Ganun lang kasimple.
Dr. Love
- Latest
- Trending