^

Dr. Love

Ipagtatapat ba ang totoo?

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mr. Aquarius.

Nagpakasal ako sa babaeng may laman na ang sinapupunan. Inamin niya sa akin na ibang lalaki ang ama ng dinadala niya pero ayaw sabihin kung sino.

Suspetsa ko ay ninong namin sa kasal ang ama. Kahit duda ako ay ‘di ko na lang pinansin. Naghiwalay kami ng misis ko dahil sa kanyang ugaling ‘di ko matiis. Matagal kaming ‘di nagkita at ako’y nakapag-abroad. Isang araw ay may sumulat sa akin sa isang social network. Ito ang batang naging bunga ng pagkakamali ng asawa ko. Dalawang taon pa lang ang bata nang magkahiwalay kami at ako ang kinilala niyang ama.

Nalaman ng dati kong asawa na nagkakaugnayan kami ng anak niya. Dumating din sa punto na pati ang dati kong asawa ay tinulungan ko na makapagtrabaho sa bansang pinagtatrabahuhan ko dahil ang bagong kinakasama niya ay may sakit. Sa kabila ng ginawa ko ‘di pa rin sinasabi ng ex ko sa pamilya niya na ako at ang bata ay nagkakaugnayan sa social networking at ako ang tumulong para makatapos sa pag-aaral ganun din sa kanyang pagtatrabaho sa abroad.

May ibang asawa na ako noon at dahil sa nangyari nagkatampuhan kami. Umuwi siya sa kanilang probinsya dahil sa sama ng loob. Ang masakit pa pinatay ang asawa ko sa probinsya nila. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyaring ito.

Nakukonsensya ako na magtapat ng totoo sa batang kumikilala sa akin bilang ama. Mahal ko po ang bata at pwede ko naman pong gampanan ang pagiging ama ngunit gusto ko pong makalaya sa pagtatago ng lihim na ito. Gusto ko pong sabihin sa ex-wife ko na sabihin na niya pero ayaw ko rin siyang maapektuhan dito sa ibang bansa.

Dr. Love ano po ang dapat ko gawin?

Lubos na gumagalang,

Mr. Aquarius ng OMAN

Dear Mr. Aquarius,

Dakila ka. Pinakasalan mo ang isang babae kahit alam mong ang dinadala niya’y hindi sa iyo. Ikaw ang kinagisnang ama ng bata at kinilala mo naman siyang anak. Panatilihin mo na lang ganyan ang situwasyon. Kung sasabihin mo ang totoo, malamang ay magdamdam siya lalo na sa kanyang ina na nandaya sa iyo.

Hindi kasalanang maglihim. Ang kasalanan ay ang pagsisinungaling. Hayaan mo na lang na siya ang kusang makatuklas nito at kung mangyari iyan doon mo na lang isipin ang gagawin.

Maaaring maitago ang lihim hanggang hukay­ at kung mangyari iyan, hayaan mo na lang ang ganyang situwasyon basta’t nananatiling maligaya ang anak ng iyong dating asawa sa ibang lalaki.

Dr. Love

AKO

AMA

ASAWA

DAKILA

DALAWANG

DR. LOVE

DUMATING

LANG

MR. AQUARIUS

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with