^

Dr. Love

Susuko na ba sa pag-ibig?

-

Dear Dr. Love,

Muli na naman akong lumiham sa inyo para humingi ng gabay hinggil sa suliranin ko sa pag-ibig.

Pangatlo ko na po itong liham kaya marahil hindi na bago sa inyong pandinig ang pangalan ko. Muli po akong kumakatok para isangguni kung dapat na bang sumuko sa pag-ibig.

Hindi ko malaman kung talagang kakambal ko na ang kabiguan. Dahil sa tuwing ako ay nagmamahal, dumaranas ako ng kabiguan. Ang una, si Jinky. Kinalimutan niya ako dahil isa akong bilanggo; pangalawa si Marlyn, na nakipagreklasyon sa aking guro at ngayon naman si Grace. Nakipaghiwalay siya sa pag-aakalang kinalimutan ko na siya. Ayaw niyang maniwala na nagkahigpitan sa paggamit ng cell phone sa loob kaya hindi ako makapagtext sa kanya. Masakit man, wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang pakikipagkalas niya.

Wala na po ba akong karapatang lumigaya? Malapit na rin po akong lumaya. Kaya’t pinagbubuti ko ang pag-aaral para makatapos man lang ng high school kahit may edad at bilang paghahanda sa pagbabalik ko sa malayang lipunan.

Hanggang dito na lang po at hintay ko ang inyong makabuluhang payo. Maraming, mara­ming salamat po.

Marvin  Soriano

Bldg. 4-B YRC

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Marvin,

Hindi mo pa lang natatagpuan ang babaeng tunay na nagmamahal sa iyo. Pero huwag kang mag-alala dahil mayroong nakatadhana para sa iyo. Hintayin mo na lang ang paglaya mo at baka dito mo na matagpuan ang babaeng para sa iyo.

Ang gawin mo muna, paghandaan ang kinabukasan para mayroon kang magandang maiaalay sa babaeng pakakasalan

Dr. Love

AKONG

AYAW

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR MARVIN

DR. LOVE

HANGGANG

HINTAYIN

MULI

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with