^

Dr. Love

Huwag isara ang puso

-
Dear Dr. Love,

Lumiham po ako sa inyo dahil alam kong kayo lang ang makapagbibigay sa akin ng tamang payo sa kasalukuyan kong problema.

Nagkasundo po kami ng aking mister na mag­hiwalay muna para bigyan ang sarili ng makatotohanang pag-iisip kung saan ba kami nagkamali at kung may pagkakataon pang mabuo ang aming pamilya alang-alang sa aming­ dalawang anak.

Hindi na po kami talaga magkasundo ng aking mister, pagkaraan ng labing-isang taong pagsasama at pagkakaroon ng dalawang anak.

Nagsimulang umasim ang aming relasyon ma­tapos matuklasan kong may nililigawan ang mister ko na isang dati niyang kaklase at kababata na hiwalay­ sa asawa.

Nang magkaroon ng kumprontasyon, sinabi niyang fling lang daw iyon dahil hindi na niya ma­tagalan ang aking natural family planning. Mula noon, nanlamig na ang aking pakikitungo sa kanya at humiwalay na siya nang tulugan.

Nagpasya siyang magtungo muna sa US sa piling ng kanyang magulang para magpalipas ng init ng ulo at makaiwas sa pagbabanga­yan. Pero ang mga bata ay nami-miss siya at ako ang sinisisi kung bakit umalis ang kanilang daddy­.

Kinausap na rin ako ng aking biyenan at sina­bing bigyan ko pa ng isang pagkakataon ang aking mister dahil hindi naman daw nito gustong maki­paghiwalay sa akin. Panay din ang sulat at tawag sa akin ng mister ko at nakikiusap na magkasundo na kami dahil hindi naman niya kayang ipagpalit kami ng mga anak niya sa iba.

Kung sa akin lang, parang ayaw ko nang maki­pagbalikan pa sa mister ko. Pero mahirap tanggapin ng mga bata na mabubuwag ang aming­ pa­milya. Payuhan mo po ako.

Maraming salamat at may our Lord always guide you.

Lizza

Dear Lizza,

Hindi masamang bigyan mo pa ng isang pagkakataon ang iyong asawa para maituwid ang kanyang kamalian.

Talagang para sa mga bata, hindi nila ganap na mauunawaan ang puno’t dulo ng isang hiwalayan ng mag-asawa lalo pa’t ayon sa iyo, very close sila sa kanilang daddy.

Hindi matwid para sa isang asawa na maglaro ng apoy  sa pagtanggi ng babae na sumiping dahil­ sa family planning. Pero hindi naman dapat na mag­kahiwalay kayo dahil dito.

Kumunsulta ka sa iyong gynecologist sa ligtas na uri ng kontraseptibo. Huwag mong isara ang puso  mo at tanggapin ang pagkakamali ay hindi lang sa panig ng asawa kundi mayroon ka ring pagkukulang.

Dr. Love

AKING

DAHIL

DEAR LIZZA

DR. LOVE

HUWAG

ISANG

KINAUSAP

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with