^

Dr. Love

Nanlinlang

-

Dear Dr. Love,

Hindi ko po maubos maisip na kung kailan pa ako nagbago at tumahak sa tuwid na landas saka pa ako nadampot at nakulong sa pagtutulak ng droga.

Dala lang noon ng pangangailangan ko sa pera kaya ako natuksong sumama sa grupo ng kaibigan ko para magbenta ng bawal na gamot.

Kasi po, wala akong trabaho, may nililigawang babae­ na maluwag ang kabuhayan at wala na akong ibang magawang paraan para magkaroon ng pera.

Sa pag-aakalang makuwarta ako, napasagot ko ang nililigawan hanggang nagpasya kaming mag­live-in na, na may basbas pa ng kanyang magulang.

Pero dahil gusto ko na talagang magbagong buhay­, nagpasya akong kumalas na sa grupo at tumahak na sa tamang landas.

Sa kasamaang palad po, kung kailan pa ako nagbago at nagsikap na magtrabaho kahit ma­baba ang suweldo, saka pa ako nainguso marahil ng dati kong kakosa at ni-raid ang aming apartment ng misis ko.

Wala ako noon, pero may natagpuang shabu sa aming tirahan. Nataon namang pansamantalang naki­tira ang isa kong kamag-anak na sangkot din sa pagtutulak ng droga. Nang aarestuhin ito, ako ang kanyang itinuro.

Nang mahatulan ako ng pagkabilanggo mula 12 hanggang 14 taon, hiniwalayan na ako ng aking live-in at umuwi sa kanyang mga magulang.

Sa ngayon nga po, heto ako sa kulungan, nagdurusa. May palagay akong inginuso ako ng mga dati kong kasamahan dahil kinalasan ko sila sa grupo.

Sana po, magsilbing aral ito sa mga tulad kong nagahaman­ sa kita sa masamang paraan.

Nagbago man ako, pinanagot pa rin sa masa­mang epektong nagawa ko sa mga inosenteng biktima­. At ito ay ganap kong pinagsisisihan.

Gumagalang,

Johnny

Camp Sampaguita Muntinlupa City 1776

Dear Johnny,

Walang lihim na hindi nabubunyag. Ito ang ma­tiim na aral na natutuhan mo sa iyong kaso lalo na’t maraming kabataan kang iniligaw ng landas.

Sa hangad mong mapasagot ang babaeng itinatangi at makuha ang pagpayag ng kanyang magulang na magsama na kayo bilang mag-asawa pikit mata mong niyakap ang isang masamang trabaho.

Hindi sapat na dahilan ang wala kang natapos para hindi ka makakita ng marangal na pagkakakita kahit mababa ang sahod.

Nagawa mo naman ito nang magpasya kang magbago ng larangan ng hanapbuhay nang nagsasama na kayo ng iyong nobya. Nahuli nga lamang ang pagbabago mo dahil ma­rami ka nang nabiktima.

Gayunman, pinagsisihan mo na ng labis ang pag­­ka­kasala at marahil sa paglaya mo, hindi mo na tatangkain pang pumasok sa isang hanapbuhay na ma­sama. Good luck at pagbutihin mo ang rehabili­tasyon sa kulungan.

Dr. Love

AKO

CAMP SAMPAGUITA MUNTINLUPA CITY

DALA

DEAR JOHNNY

DR. LOVE

GAYUNMAN

GUMAGALANG

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with