^

Dr. Love

Pamangkin sa pinsan

-

Dear Dr. Love,

Ako po si Peter Paul, isang OFW at kasalukuyang nasa labas ng bansa. Nagkaroon po ako ng nobya ng almost five years din ang itinagal. Matagal ko na po siyang kilala at magkakilala ang aming pamilya pero nagkahiwalay din kami nang siya’y mangibang-bansa.

Ngayon ay may itinitibok ang puso ko. Bale pamangkin ko siya sa pinsan.

Matagal ko nang binalak na magtapat sa kanya pero natatakot ako. Maaari kasing iwasan niya ako at masira ang relasyon ng mga pamilya namin dahil malapit ko siyang kamag-anak. Dr. Love may nakilala ako at naging siyota ko siya ngayon. Alam ng pamangkin ko sa pinsan ang tungkol dito pero mas mahal ko pa rin siya. Batid din niya lahat ng istorya ng love life ko dahil palagi ko naikukwento sa kanya.

Ano ba ang pwede kong gawin? Okay ba na kausapin ko siya at ipagtapat sa pamangkin ko sa pinsan ang totoo kong nararamdaman sa kanya o sarilinin ko na lang ang matagal ko ng problema?

Thanks and best regards.

Peter Paul 

 

Dear Peter Paul,

Pasensya ka na dahil sobrang haba ang sulat mo, pinaikli ko na lang. Sinabi mo pa sa original na sulat mo na “pinsan” mo ang babaeng nagugustuhan mo pero sa isang dako ng liham, sinabi mong pamangkin mo siya sa pinsan. Medyo nalilito ako sa sulat mo. Baka ibig mong sabihin, pinsan ang turingan ninyo kahit sa totoo ay pamangkin mo siya.

Kung pamangkin mo siya sa first cousin hanggang second cousin, close relative mo iyan at hindi kayo puwede. Kaya ibaling mo na lang sa iba ang pag-ibig mo at kalimutan mo siya dahil pamangkin mo iyan. Dapat anak ang turing mo diyan. Hindi ka ba naaalibadbaran?

Dr. Love

AKO

ALAM

ANO

DEAR PETER PAUL

DR. LOVE

MATAGAL

PAMANGKIN

PETER PAUL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with