^

Dr. Love

Mas mahal ang ex-gf

-

Dear Dr. Love, 

Naguguluhan po ako sa dalawang babaeng naging bahagi ng buhay ko. Sino ba ang pipiliin ko sa kanila? Hindi po naman sabay ang naging relasyon ko kina Miriam at Dinah.

Si Miriam ang una kong naging kasintahan at siya ang first love ko. Tumagal ng isang taon ang aming relasyon. Nakipagkalas siya sa akin dahil sa sigalot ng aming pamilya at biktima siya ng intriga. Masakit ito para sa akin dahil mahal ko siya.Gumaling lamang ang sugat ng aking puso nang makilala ko si Dinah sa pinapasukan kong opisina. Isang taon na rin kami ni Dinah at ang akala ko, wala nang hadlang sa aming relasyon.

Pero dumating muli si Miriam at nais niyang ibalik ang naputol naming relasyon. Ipinagtapat ko kay Miriam na mayroon na akong bagong nobya. Iniyakan niya ang katotohanang ito dahil sa panahong wala kami sa isa’t isa, wala siyang inintertain na iba.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang ta­­nging alam ko, si Miriam pa rin ang tunay kong mahal. Hindi ko nais makitang umiiyak at malungkot siya.

Sinabi ko kay Dinah ang pakikipagbalikan ng aking unang nobya.

Ang sabi niya, nasa akin ang pagpapasya at mauunawaan niya kung babalikan ko ang dati kong nobya. Hindi raw ito dahil sa hindi niya ako mahal kundi dahil mahal talaga niya ako at hindi niya nais na maging hadlang sa aking kaligayahan.

Malaki ang utang na loob ko kay Dinah pero sa kaibuturan ng puso ko, hindi ko pala kayang tuluyan nang mawala si Miriam sa buhay ko.

Mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat.

Payuhan mo po ako.Thank you very much sa pang-unawa mo at sana’y patuloy pang luma­­ganap ang pitak mo.

Edward

Dear Edward,

Tama si Dinah. Ikaw lang ang makapagpapasiya kung sino ang dapat mong piliin sa kanilang dalawa. Ang susi ng maligayang pagsasama ng isang babae at lalaki ay nasa tamang pagpili ng kakasamahin sa buhay para walang sisihan sa dakong huli. Mas mahal ka ni Dinah dahil nakahanda siyang magbigay ng kalayaan mo para sa kaligayahan mo. Natanto rin ni Miriam ang kamalian niya at isinuko niya ang kanyang pride para bumalik sa iyo. Hindi siya nakipagrelasyon kanino man dahil ikaw lang ang mahal niya.

 Ikaw ang dapat na mamili sa kanilang dalawa para wala kang pagsisihan sa dakong huli.

Dr. Love

vuukle comment

DAHIL

DEAR EDWARD

DINAH

DR. LOVE

IKAW

MAHAL

MIRIAM

NIYA

SI MIRIAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with