^

Dr. Love

Huwag mamangka sa dalawang ilog

-

Dear. Dr. Love,

Itago mo na lamang ako sa pangalang Gemz. Madalas po akong nagbabasa ng inyong kolum at naisipang sumulat upang hu­mingi ng tulong at gabay sa inyo.

Ang problema ko po ay tungkol sa dala­wang lalakeng­ nagpapatibok ng aking puso. Sina Alejo at Jonny­. Si Jonny po ang una ‘kong minahal simula pa noong 2nd year high school kami.

Naging masaya ang aming pagsasama pero nang kalaunan ay nakipag- break ako sa kanya. At dito nanligaw sa akin si Alejo na ginamit ko upang maibsan ang sakit ng paghihiwalay namin ni Jonny.

Hanggang ngayon Dr. Love ay kami pa ni Alejo pero nanligaw ulit si Jonny at sa hindi ko maipaliwanag ay sinagot ko siya. Bagay na ‘di ko pinagsisisihan. Mahal ko ang dalawang lalake sa aking buhay at puso Dr. Love.

Pero dapat ko na bang ipagtapat sa kanila na dalawa sila sa puso ko? At hindi kaya nila ako iwan at saktan sa bandang huli? Payuhan ninyo ako Dr. Love.

Maraming salamat at more power to you.

Lubos na gumagalang,

Gemz

Cabugao Ilocos Sur.

Dear Gemz,

Natural kapag nagkabukuhan ay pareho silang mawawala sa buhay mo Gemz. Hindi puwedeng mamangka sa dalawang ilog.

Dapat pakasuriin mo silang dalawa kung sino ang mas nakaaangat ang katangian at ‘yun ang piliin mo. Hindi puwedeng sabay. Kung ikaw halimbawa, papayag ka ba na maraming babae ang lalaking magmamahal sa iyo? Natural hinde.

Sa gagawin mong pagpili, labas na ako riyan. Ikaw lang ang puwedeng magpasya kung sino sa kanila ang pipiliin mo.

Hangga’t maaga gawin mo iyan para ma­dispatsa mo ang isa. Masasaktan ang sino mang ibabasura mo pero mabuti nang mangyari habang maaga para mas mada­ling maghilom ang sugat.

Dr. Love

vuukle comment

ALEJO

BAGAY

CABUGAO ILOCOS SUR

DAPAT

DEAR GEMZ

DR. LOVE

GEMZ

JONNY

SI JONNY

SINA ALEJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with