Naguguluhan sa kasarian
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Mr. Astig. Iyan ang tingin ng marami sa akin lalo na ‘yung mga babaeng attracted sa akin. Hindi nila alam, naguguluhan ako sa kasarian ko.
Minsan na akong nabarkada sa mga bading pero lumayo ako dahil ayokong matawag na “gay.”
Hindi ako mapagkakamaliang bading dahil sa kilos at pananamit ko. Nagkaroon na ako ng girlfriend, may mga naka-sex na rin na prostitute pero sa Middle East ko naranasan na makipagtalik sa lalaki. Mga Arabo at Sri Lankan.
Nasa Maynila na ako ngayon. Attracted pa rin ako sa lalaki pero hindi sa pagnanasa sa laman o makipagrelasyon, gusto ko lang silang tingnan. Tapos nakakaramdam ako ng pagkainggit dahil kahit kailan hindi ko naranasan ang maging totoong lalaki.
Naaakit din ako sa babae pero sa tawag lang ng laman. Kung may feelings kapiraso lang. Mahirap ang kalagayan ko. Kung minsan naiisip kong magpakamatay dahil hindi ako makapamuhay ng normal.
Sana’y pagpayuhan mo ako.
Mr. Astig
Dear Mr. Astig,
Hindi ka 100 percent gay kundi isang “silahis.” What you feel is a psychological disorder na maaaring mangailangan ng professional counseling ng psychologist, better kung Christian counselor para maipaliwanag sa iyo ang hiwaga ng nararanasan mo.
Meditate on the Word of God at manalangin lagi. Diyos lang ang makakapagpabago sa iyo. Marami akong kakilalang former gays at lesbians na nabago ng Salita ng Diyos. Lagi kang sumunod sa tinig ng konsensya dahil lagi itong tama.
Dr. Love
- Latest
- Trending