May BF ang ka-on
Dear Dr. Love,
Magandang araw po. Tawagin mo na lang po akong CJ, 21 years old. Nais ko po humingi ng payo. May kaibigan po ako na ang pangalan ay Aico. May boyfriend po siya at ako naman po ay walang girlfriend.
Nagkakilala po kami dahil sa isang kaibigan namin. Noong una ay biruan lang ang nangyari sa amin pero habang tumatagal, nai-inlove po ako sa kanya. Nagtapat po ako sa kanya at tinugunan n’ya ng oo ang pagtatapat ko. Mahal din daw n’ya ako at ramdam ko po ‘yun. Iginagalang ko po si Aico Dr. Love kaya hindi ko magawang papiliin s’ya kung sino sa amin ang pipiliin n’ya.
Ang tanong ko lang po Dr. Love, dapat ko na po ba iwasan o ibaling sa iba ang pagmamahal ko kay Aico o maghihintay ako sa kanya? Willing naman po ako maghintay sa kanya kung sakali dahil mahal ko naman po talaga s’ya.
Hihintayin ko po ang sagot ninyo. Godbless.
CJ
Dear CJ,
Nalalabuan ako sa sulat mo eh. May boyfriend ang kaibigan mo na niligawan mo at sinagot ka naman. Maliwanag na naging kayo na di ba? Eh bakit mo siya papipiliin gayong sinagot ka niya ng oo.
Maliban na lamang kung hindi pa sila break ng kanyang nobyo. Ok, i-presume ko na lang na ganoon. Siguro pinaghihintay ka niya na makipag-break siya ng maayos sa boyfriend niya.
O sige, ganito ang masasabi ko kung ganyang ang situwasyon. Kung mahal mo siya at gusto mong mapunta siya sa iyo, bakit hindi mo siya kausapin ng personal tungkol dito. Wala naman akong nakikitang masama kung itatanong mo sa kanya kung dalawa ba kayo sa buhay niya.
Dahil karapatan mo ‘yun bilang nobyo niya. Kung oo ang magiging sagot niya, timbangin mo kung nasa kanya bang konsiderasyon na itama ang lahat, kung wala…mag-isip-isip ka na, kung ang gaya pa niya ang nais mong makarelasyon at sa nalalapit na hinaharap ay maging katuwang habang buhay.
Dr. Love
- Latest
- Trending