^

Dr. Love

Marriage proposal

-

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, nais ko kayong pasalamatan sa naunang tugon ninyo sa unang liham ko. Sinunod ko po ang payo ninyo Dr. Love. Inunawa ko ang boyfriend ko kung kaya nagkabalikan kami. Napag-isip ko na marahil nga ay hindi pa niya ganap na nakakalimutan ang hindi pagsipot ng dating nobya sa araw ng kanilang kasal.

Ang problema ko po ngayon ay handa na akong magpamilya. Kapwa kami stable sa trabaho at sa iba pang aspeto. Nakatitiyak naman po ako na sa tatlong taon naming magkarelasyon ay malalim kaysa dati ang aming pagkakakilala sa isa’t isa. Kaya lang hanggang sa ngayon ay hindi pa niya ako inaayang pakasal. Alanganin naman kung sa akin magmumula ang pag-aaya sa kanya na lumagay na kami sa tahimik.

Wala akong makitang matwid na dahilan pa para patagalin pa namin ang pagiging magkasintahan, matangi lang sa suspetsa kong baka mayroon siyang ibang inililihim sa akin?

Kung ibang babae, wala akong alam. Dito sa parteng ito, alam kong wala akong dapat na pagdudahan.

Puwede ko po bang sabihin sa kanya na habang maaga at bata pa kami pareho nais kong magkaroon na kami ng baby?

Ang hinala ko, baka wala siyang kakayahang makapagbigay sa akin ng anak?

Hintay ko po ang inyong mahalagang payo. Mahal ko po ang aking nobyo at hindi ko kakayanin uli na magkahiwalay pa kaming muli.

Salamat po uli at best regards.

Faithful

Dear Faithful,

Malaki nga ang posibilidad na hindi pa rin nakakakawala sa dinanas na kabiguan sa dating nobya ang iyong boyfriend. Bakit hindi mo siya subukang kausapin? O kaya’y subukan mong magtanong-tanong sa kanyang mga kaibigan o kapamilya kaya kaugnay sa tunay na nangyari nang hindi siya siputin ng kanyang fiancée. At mula doon ay gumawa ka ng hakbang.

Maaari rin naman na magpahaging ka o kaya’y ang iyong mga magulang kaugnay sa pagnanais mo na mag-settle down na. Higit sa lahat sikapin mo sa abot ng iyong kakayahan na ma-secure ang relasyon mo sa iyong boyfriend para tuluyan na niyang malimutan ang mapait na kabiguan sa dating pag-ibig.

Isama mo na rin ang kahandaan sa posibilidad na mag-ampon kayo sakaling magkatotoo ang palagay mo kaugnay sa kakayahan niyang bumuo ng sariling pamilya.

DR. LOVE

ALANGANIN

BAKIT

DEAR FAITHFUL

DITO

DR. LOVE

HIGIT

HINTAY

INUNAWA

ISAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->