^

Dr. Love

Mga alaala ng Valentine's Day

-

Dear Dr. Love,

Belated Happy Valentines!

Napakamakabuluhan para sa akin ng araw ng mga puso. Dahil may kalungkutan pero higit na kaligayahan ang hatid ng Valentines sa buhay ko. Itago mo na lang akong sa pangalang Kristy, Dr. Love. Isa akong teacher sa aming lalawigan sa Batangas.

Kalungkutan dahil talagang iniyakan ko ang pakikipaghiwalay sa lalaking minamahal, Valentine’s­ day noon. Matapos niyang ipagtapat na nakabuntis siya ng ibang babae. Bagaman “fling” lang ang relasyon nila ng magiging ina, hindi ko kayang agawan ng ama ang batang nasa sinapupunan. Kaya masakit man sa akin, itinaboy ko siya at pinayuhang harapin ang kanyang problema at huwag na akong intindihin dahil kalilimutan ko na siya.

Ang insidenteng ito ang naging daan para makilala ko si Gabby, Valentine’s day pa rin.Naging kasama ko sa isang training workshop sa ibang bansa. Tulad ko, isa rin siyang sawi sa pag-ibig nang talikuran siya ng babaeng una niyang minahal dahil nakakilala ng isang mayamang lalaki na pinakasalan niya.

Ngayon, maligaya kaming nagsasama at mayroon nang tatlong supling.

Maraming salamat po at muli, nagpapa­salamat sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Gumagalang,

Lorna

Dear Lorna,

Isa kang mabait na babae na nakakaunawa sa kahalagahan ng pamilya. Isinakripisyo mo ang sariling kaligayahan alang-alang sa isang baby na isisilang ng walang ama. Kaya naman hindi nakapagtataka na nakatagpo ka ng ibang lalaki na tulad mo ay mayroon ding matatag na prinsipyo sa buhay.

Sana, magpatuloy ang inyong kaligayahan bilang mag-asawa sa piling ng inyong mga anak. Magsisilbi kayong magandang huwaran sa kanila at sa iba pang magkasintahan. May respeto ka sa sarili at iyan ay pambihira sa isang babae.

Thank you for your letter at sana huwag kang magsawang sumubaybay sa pitak na ito.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Mag-email sa [email protected]. Maaari nang mapanood ang pagpapayo ni Dr. Love, bisitahin ang DR. LOVE WEBISODE sa philstar.com)

vuukle comment

BELATED HAPPY VALENTINES

DEAR LORNA

DR. LOVE

ISA

KAYA

LIBANGAN SECTION

LOVE

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with