^

Dr. Love

Dehado o kalaboso?

-

Dear Dr. Love,

Isa pong mainit na pagbati sa inyo at sa lahat na mambabasa ng inyong column. Madami na po akong nabasa dito sa inyong pitak hinggil sa mga lalaking naiputan sa ulo ng kanilang asawa. At dahil sa kaapihan, inilalagay ang batas sa kamay. Kaya naman dehado na, nakalaboso pa.

May ganitong karanasan din ako, pero pinilit kong panatilihing malinis ang aking mga kamay. Iba ang pakiramdam ko nang makita ang madalas at malagkit na pagtitinginan ng aking asawa na si Violeta at kumpare naming si Dante, na ex-boyfriend niya.

Minsan kong pinuna kaugnay dito si Violeta, na ikinagalit at naging dahilan niya para umalis ng bahay dala ang aming dalawang anak. Sinundo­ ko sila at nangako na hindi na magbibintang uli.

Pero sa totoo lang, hindi po ako matahimik. Kaya naman nang minsan magkainuman kami ni Dante sa bahay, nagpanggap akong lasing na lasing at umakyat na sa aming silid.

Sinundan ako ng aking asawa at pinunasan. Sa aking pakiramdam, tinitiyak lamang niya na makatulog na ako. Saka siya dahan-dahang lumabas ng silid.

Palihim akong nagmatsag nang bumalik siya sa aming sala na kinaroroonan ni Dante. Nagkindatan sila at nagyakapan na nauwi sa mainit na pagtatalik. Gusto ko nang bumaba noon at kumuha ng kutsilyo sa kusina, pero digital camera­ ang nahagip ko.

Kinunan ko sila sa kainitan ng kanilang pagta­talik, saka binulaga. Sa kabiglaan, kapwa hubo’t hubad na nagtatakbo si Dante habang nakakuha naman ng tuwalya si Violeta na ipinangtapis niya.

Nagpasalamat ako Dr. Love at hindi ako nakagawa ng masama. Sa halip, kumuha lang ako ng ebidensiya na hindi nila mapapabulaanan. Nagkasolian ng kandila, hindi na rin nakapalag ang pamilya ng aking asawa nang sabihin ko na hindi niya madadala ang aming mga anak. Naaprubahan na ang annulment na isinampa ko at ngayo’y masayang kapiling ang babaeng tunay na nagmamahal sa akin.

Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Sana, makapulot ng aral dito ang marami ninyong mambabasa.

 Respectfully,

Alvin Danseco

Quezon City

 

Dear Alvin,

Salamat sa pagtangkilik mo sa column na ito at sa pagtitiwala mong ibahagi sa amin ang iyong personal na karanasan sa pag-ibig.

Hinahangaan ko ang matalinong desisyon mo na huwag dungisan ang sariling kamay. Sa halip, utak ang iyong ginamit para matamo ang hustisya sa iyong pagkalalaki.

Natitiyak kong nakapag-iwan ng leksiyon sa ating mga mambabasa ang iyong karanasan, ang higit na paborableng resulta ng matalinong pagpapasya. Para kahit na nadehado ay hindi mauwi sa kalaboso.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALVIN DANSECO

DEAR ALVIN

DR. LOVE

HINAHANGAAN

ISA

KAYA

QUEZON CITY

VIOLETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with