^

Dr. Love

Handang tumandang dalaga

-

Dear Dr. Love,

Ako po ay kabilang sa marami ninyong ta­ga­hanga na walang pinalalampas na sipi ng PSN para mabasa lang ang inyong column. Marami po akong natututuhang aral sa mga payo.

Itago mo na lang ako sa pangalang “Tina”. Bagaman pangkaraniwan lang ang buhay ng aking pamilya at hindi ako nakatapos ng kolehiyo, marami ang nanliligaw sa akin. Pero takot akong umibig dahil sa abnormalidad na natuklasan sa aking katawan. Hindi ako puwedeng mag-anak.

    Noong bata pa lang ako, walang-wala sa aking isipan ang problemang ito. Pero nang minsan ay umibig ako sa edad na 22 at malaman ng aking nobyo na wala akong kakayahang magdalang-tao, tinapos niya ang aming relasyon. Masakit para sa akin ang nangyaring ito sa aking first love. Hindi ko inilihim sa binatang minahal ko ang aking pagiging isang baog.

Sa edad na 35, tingin ko, nililipasan na ako ng panahon dahil takot na ako uling magmahal para muling mabigo. Ang sabi ko sa sarili, marami naman akong mga pamangkin na puwedeng mag-alaga sa akin sa pagtanda kung walang lalaking magmamahal sa akin sa kabila ng aking kapintasan.

Ang tanong ko po, mayroon kayang lalaking magmamahal sa akin ng tapat kung hindi ko siya mabibigyan ng anak?

Handa na akong tumandang dalaga sa ngayon, pero hindi rin naman maiiwasang paminsan-minsan na sumasagi sa aking isip kung bakit ako pinagkaitan ng langit na maging isang ina? Lihim akong umiiyak sa problemang ito pero wala naman akong magagawa.

     Marami na akong napuntahang manggagamot para humingi ng kanilang opinyon kung may magagawa pang paraan para ako ay mabiyayaan ng anak sa sandaling magkaasawa. Malabo na ang aking tsansa. Ang tanging paraan lang para ako ay maging ina ay mag-ampon.

   Maraming salamat po at sana’y lumawig pa ang pitak ninyo para marami pa kayong matulungan.

Your admirer,

Tina

Dear Tina,

Kung congenital ang problema mo para mawalan ng kakayahang magsilang ng baby, marahil wala ka nang pag-asang magkaanak. Isa sa mga problema ng pagkabaog ay kung hindi ka nagkakaroon ng mens. Ganoon ba ang suliranin mo?

Kung hindi, baka naman mayroong iba pang remedyong maibibigay ang mga manggagamot sa tulong ng modernong medisina. Kaya nga lang mahal din ang ganitong proseso. ‘Yong magkaroon ng embryo implant.

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Malay mo, mayroong manliligaw sa iyo na handang mag-ampon na lang para makabuo ng pamilya.

Kung talagang magkakaasawa ka, darating ang binatang para sa iyo. Kailangan nga lang dapat maging matapat ka at tulad nang nauna mong karanasan, ipagtapat mo agad ang problema mo.

Huwag kang magmukmok. Ang kawalang kakayahan mong magkaanak ay hindi sapat na dahilan para magpikit-mata ka sa tawag ng pag-ibig. Tandaan mo, may kasabihang mas mabuti na raw na nagmahal ka at nawala ito kaysa kailanman ay hindi mo naranasang umibig at mahalin.

DR. LOVE

vuukle comment

AKING

AKO

AKONG

DEAR TINA

DR. LOVE

KUNG

LANG

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with