In-love sa bi-sexual
Dear Dr. Love,
Greetings to you and to all the staff of PSN.
Tawagin mo na lang akong Len. Recently, nagkasundo kami nitong si Haer na maging best friends. Super open kami sa isa’t isa. Alam ko ang halos lahat sa kanya at ganun din siya sa akin.
Despite of being a bisexual, marami kaming commonalities at napagkakasunduan. He’s one of the greatest person I’ve known. The problem now is I don’t understand myself. Parang nagkakaroon na ako ng feelings sa kanya.
I know na this isn’t love because I’m just infatuated with him. Ang gwapo kasi niya. Almost perfect at napakabait pa. May boyfriend ako for 1 year and mula nung magkakilala kami ni Haer at maging best friend, tinabangan na ako sa bf ko. Parang gusto ko na siyang i-break. Na-fall out of love na ako, in other words.
Isa pa may boyfriend si Haer kaso cam to cam lang sila. Alam natin na hindi man madalas pero minsan ‘di ba hindi nagla- last ang same sex relationship. Paano ko siya papayuhan na ‘di naman siya mao- offend? Sobrang hulog na kasi loob niya sa guy na ‘yun.
Thanks and more power.
Sincerely,
Len
Dear Len,
Sa ngayon, hindi mo nakikita ang future dahil deeply infatuated ka kay Haer. All you see is his superficial qualities like – kaguwapuhan, magandang ugali, etc. Pero isang bagay ang natitiyak ko. Problema ang papasukan mo. Hindi mo mararamdaman ngayon pero tiyak ito’y magma-manifest pagdating ng araw. Sa panahong kasal na kayo.
Paano kung dumating ang araw na tatlo na kayo sa isang higaan – isang Eva at dalawang Adan? Carry mo ‘yan?
Ang pag-ibig ay hindi panandaliang ligaya lang. Dapat tingnan ang pangmatagalang epekto nito.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)
- Latest
- Trending