^

Dr. Love

Utol ang naging karibal

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong William, isa sa mga inmates dito sa pambansang bilangguan. Sa darating na taon, kapag hindi mamalasin at sa tulong ng Panginoon baka makalaya ako sa pamamagitan ng parole.

Utang ko ito sa magandang pagpapakita ng kabutihang asal at ganap na pagsisisi sa kasa­lanang nagawa at unang-una sa pamamagitan ng ganap kong pagdakila at paghingi ng tulong sa Diyos.

May labinlimang taon na po akong nakulong sa isang pagkakasalang hindi ko na nais na pagbalikan pa sa gunita. Sa ngayon po, parang nagdadalawang-isip ako kung dapat ko bang ikagalak ang nalalapit na parole.

Ang dahilan po, wala na akong pamilyang babalikan pa. Nagsiyao na ang aking mga magulang at ang kaisa-isa kong kapatid na lalaki ay pinagbubuntunan ko ng sisi sa kasawian ko sa pag-ibig. Ang dahilan po, inahas niya ang nobya ko habang nakakulong ako dito

Ngayon, silang dalawa na ang nagsasama at mayroon nang supling. Noon pong may isang taon na akong nagsisilbi sa sentensiya sa akin, bumisita sa akin ang dati kong nobya. Hinihingi niya ang pagpapatawad ko at ang kanyang kalayaan dahil nakatagpo na raw siya ng ibang minamahal.

Hindi ko naman alam na ang nobyo na niya noon ay ang utol ko. Nalaman ko na lang na sila na ang nagsasama o nagpakasal na sila sa pamamagitan ng isang kaibigan na dumalaw sa akin sa piitan.

Halos magputok ang dibdib ko sa sama ng loob. Ibinigay ko nga ang kalayaan ng nobya ko, pero wala sa isip ko na ang utol ko pala ang bago niyang kasintahan na ipinalit sa akin. Nagdaramdam pa ako sa kanila ngayon. Parang hindi ko matanggap.

Ito po ang problema ko kung bakit parang hindi ako masaya, makalaya man ako. Payuhan mo po ako para maiwasan kong makagawa pa ng hindi maganda sakali’t makita ko silang dalawa.

Maraming salamat po at mabuhay kayo.

Gumagalang,

William Dizon

Camp Sampaguita

Muntinluipa City 1776

Dear William,

Nauunawaan ko ang iyong damdamin. Pero sinabi mo namang nagpaalam sa iyo ang dating nobya na palayain mo na siya dahil nakahanap na siya ng iba.

Marahil, hindi na siya makahintay sa iyo sa tagal mo sa kulungan. Tulad mo, nalulungkot din siya at maaaring ang utol mo ang siyang napagbalingan niya ng atensiyon. Ang hindi nga lang maganda, inilihim niya sa iyo na kapatid mo ang ipinalit niya sa iyo.

Unawain mo na lang sila. Tao silang natutukso at marahil, nagkalapit ang kanilang damdamin dahil kapwa sila malungkot sa buhay sa pagkakakulong mo.Maaaring talagang sila ang magkapalaran.

Alisin mo na ang galit sa dibdib at ganap na lalaya ka. Makakatagpo ka rin ng babaeng magmamahal sa iyo ng lubos.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

AKO

ALISIN

DEAR WILLIAM

DR. LOVE

LIBANGAN SECTION

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

WILLIAM DIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with