Dear Dr. Love,
Isang magandang araw sa iyo Dr. Love…ako’y isang masugid mong mambabasa mula pa sa pagkabinata ko. Saludo ako sa iyo sa mga advice mo.Tawagin mo na lang akong T-BOY, nagtatrabaho ako sa middle east. May-asawa ako na andyan sa Pinas.
Isasangguni ko po ay kung normal lamang ang kinahuhumalingan naming gabi-gabi ng aking asawa. Dahil malayo kami sa isa’t isa, naging paraan namin ang pagse-sex sa web para maibsan ang matinding pangungulila sa bawat isa. Noong una naiilang pa siya, pero ngayon ay aggressive na siya. Nakikita po namin ito bilang paraan para hindi makapagtaksil sa bawat isa.
Normal ba sa isang mag-asawa ang ganito? Habang ginagawa po namin ito, nakukuha naman namin ang kaligayahan kahit malayo sa isa’t isa.
Hindi po kaya maapektuhan ang aming pag-iisip dito? Dahil hinahanap-hanap ko na po ito gabi-gabi. Paano ko po magagamot ang aking sarili? Hihintayin ko po ang inyong kasagutan sa NGAYON.
Maraming salamat po.
Ang inyong tagahanga,
T-Boy
Dear T-Boy,
Sa panahon natin ngayon kung anu-ano ang nauuso. May phone sex, web sex at kung anu-ano pa na sa aking opinyon ay hindi normal.
Tinatanong mo kung hindi kaya maapektuhan ang pag-iisip ng taong gumagawa nito? Palagay ko’y maaapektuhan lalu na kapag ginawa ng way of life iyan. Sabi mo nga, ginagawa n’yo na gabi-gabi. Weird sa tingin ko iyan.
Yung iba, ginagawang excuse ito sa pagsasabing mas mabuti na ang ganito kaysa magtaksil ang mag-asawa sa isa’t isa. Pero isipin mo ito. Ini-expose ninyo pareho ang sarili ninyo sa internet na hindi malayong masagap ng iba lalu na sa modernong panahon ngayon. Alalahanin ninyo na marami nang eskandalo ang dinanas ng iba dahil sa ganyang indecent public exposure.
Dr. Love
Para sa email sender na si Ronald, ipagpaumanhin mo dahil walang contact number na ibinigay si Michael Anthony Javier Jr. sa kanyang liham sa amin. Tanging ang paraan lamang ng pakikipag-ugnayan na ibinahagi niya ay sa pamamagitan ng kanyang dorm address sa bilangguan. Sana nakakuha ka ng kopya o nakopya mo ang address na ito para doon simulan ang pakikipagkomunikasyon sa kanya.