Nagseselos sa 'tunay'
Dear Dr. Love,
Sana po ay lagi kayong nasa mabuting kalagayan upang marami pa kayong matulungan. Gusto ko lang po humingi ng payo sa problema na hindi ko alam kong paano sosulusyunan.
I’m 34 years old, a single mother of two kids matagal na po kaming hiwalay ng ka-live-in ko, the father of my kids... taong 2008 po nang may makilala akong seaman. Nag-umpisa po kami sa email at tawag kung siya ay naka-dock sa ibang place.
Noong una, hindi ‘ko alam na pamilyado siya. Nitong August 2010 ko lang nalaman na may asawa siya at dalawang anak.
Masakit po ang katotohanang ito, pero mas hindi ko makakayanan kung mawala siya sa buhay ko. Kaya tinanggap ko ang sitwasyon ko sa kanya at patuloy pa rin ang aming relasyon.
Ang problema ko, nagseselos ako dahil nasa Pinas siya ngayon at kasama ang tunay niyang asawa at mga anak. Ang text at tawag ko ay madalas nauuwi sa away.
Gusto ko pong bumalik sa dati ang buhay ko pero hindi ko magawa. Magulong-magulo na po ang isip ko. Pagpayuhan po ninyo ako. God bless!
Sincerely,
Single Mother
Dear Single Mother,
Ang mali ay hindi magiging tama, anuman ang ikabit mong katwiran dito.
Batid mong pamilyado ang karelasyon mo, alam mo rin na mali ang patuloy na pakikipagrelasyon sa kanya pero pinapayagan mong mangyari.
Tama ka ikaw lang ang makakalutas ng magulong isipan mo. Hindi mo magagawang ibalik ang dati mong buhay kung hindi ka gagawa ng paraan para mabago ito. Umpisahan mo na putulin ang maling kinasasangkutan mo and everythings follows.
Syempre hindi ito madali sa umpisa pero natitiyak ko, magbubunga ng maganda ito sa buhay mo. May God bless you too.
Dr. Love
- Latest
- Trending














