^

Dr. Love

Itinanggi ang anak

-

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang po ninyo akong Eva. Ang problema ko po ay ang pagdadalantao pero pinag­dududahan ng boyfriend ko na sa kanya ang sanggol.

Ang katwiran niya ay nagko-condom naman daw kami. Nalaman ko rin na hindi na siya malaya.

Ngayon ay litong-lito po ako, Dr. Love. Ang laki kong tanga. Dahil isinaisantabi ko ang pagsisikap ng mga magulang ko para makapag-aral sa kolehiyo at naniwala sa lahat ng mga sinabi ng boyfriend ko, kaya heto ako sa kawalan.

Sa sobrang galit, pinalayas ako ng aking mga magulang para hanapin ang nakabuntis sa akin. Nakikitira po ako ngayon sa malayong kamag-anak sa probinsiya. Dito ko balak iluwal ang sanggol, na balak kong ipaampon at magsimula ng bagong buhay.

Nais ko ring makapagpatuloy uli ng pag-aaral ng self supporting ako.

Payuhan po ninyo ako. Wala po akong mahi­ngan ng tulong sa suliranin ko. Maraming salamat po at more power.

Eva Advincula

Pasay City

Dear Eva,

Salamat at binuhay mo ang walang malay na sanggol sa sinapupunan.

Kung talagang desidido kang ipaampon ang bata, makabubuting humingi ka ng tulong sa Department­ of Social Services para siyang mag­bigay payo sa iyo kung paano mo ipapaampon ang iyong anak. Puwede ka ring humingi sa DSWD ng referral­.

Maraming mga mag-asawang hindi nabiyayaan ng anak at sila ang makapagtuturo sa iyo ng dapat mong gawin.

Ayaw na nating sisihin ka pa sa nangyaring ito sa buhay mo. Ang nais ng pitak na ito ay mapanuto ka at maging leksiyon sana ito sa iyo sa hinaharap.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

DEAR EVA

DR. LOVE

EVA ADVINCULA

LIBANGAN SECTION

MARAMING

PASAY CITY

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

SOCIAL SERVICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with