^

Dr. Love

Walang peace of mine

-

Dear Dr. Love,

Nawa’y sumainyo ang banal na pag­papala ng ating Panginoon.

Isa po akong bilanggo, pinagsisilbihan ko pa ang aking sentensiya sa kasong pagpatay sa mga nag-trip at pumatay sa aking kapatid.

Hindi ko matanggap ang nangyari sa aking kapatid, Dr. Love. Walang lead ang mga awtoridad sa kaso niya kaya napilitan akong ilagay sa aking mga kamay ang hustisya. May nag-tip sa akin sa grupong kumursunada kay Alex. Itinumba ko silang lahat para magkaroon ng hustisya ang sinapit ng aking kapatid. At magkaroon naman ako ng katahimikan. Pero nailibing na ang kapatid ko, napatay ko na sila, ngunit ang katahimikan ay wala pa rin sa akin. Bakit po ganon? Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Gumagalang,

Rolando Madrigal

Medium Security Compound

Davao Penal Colony

Dear Rolando,

Hindi ka sana nawalan ng tiwala sa sistema ng katarungan at pumatay ng mga tao na hindi ka naman nakakasiguro na may kinalaman sa sinapit ng kapatid mo.

Bagaman hindi kita masisisi sa nangyari, nais kong ipaabot sa iyo na ang pagbibigay katarungan sa isang nasawi at paglalapat ng parusa sa akusado ay hindi nakukuha sa madaliang proseso.

Wala kang peace of mine dahil mayroon kang guilty feelings. Hindi ba?

Ihingi mo ng tawad sa Panginoon ang nagawa mong pagkakasala at nawa’y matagpuan mo ang kapayapaan ng iyong damdamin.

Dr. Love

ALEX

BAGAMAN

BAKIT

DAVAO PENAL COLONY

DEAR ROLANDO

DR. LOVE

MEDIUM SECURITY COMPOUND

PANGINOON

ROLANDO MADRIGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with