^

Dr. Love

Isinumpa ang asawa

-

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang “Delia”. Isa akong dating OFW sa Gitnang Silangan. Namasukan akong domestic helper para maita­guyod ang responsibilidad sa aking dalawang anak. Dahil naging iresponsable ang kanilang ama.

Tatlong taon ang aking kontrata, pero mahigit isang taon pa lamang nang bigla akong umuwi matapos ibalita sa akin ng aking ina na nasa ospital ang aking panganay na anak.

Pasalamat ako dahil mabait at maunawain ang napasukan kong amo at pinayagan akong bumalik sa sandaling gumaling na ang aking anak.

Nang makarating sa ospital, lumantad sa akin ang masaklap na kalagayan ng aking anak. Putlang-putla ito dahil pilit na ipinapalaglag ng kanyang ama ang naging bunga ng kahayupan niya sa sariling laman.

Mabuti at naipakulong kaagad ng aking ina ang asawa ko na lulon na sa shabu. Hinatulan siyang makulong ng habang buhay.

Hindi ko alam kung sino ang sisisihin sa nangyari, Dr. Love. Ako nga ba at ang ambisyon kong guminhawa?

Isinumpa ko ang aking asawa dahil sa sinapit ng anak ko, nagkaroon siya ng matinding depression.

Ipinagagamot ko ngayon ang aking anak sa pamamagitan ng pamamasukan ko sa isang restaurant.

Ang anak kong lalaki, muhing-muhi rin sa kan­yang ama.

Idinadalangin ko na lang sa Panginoon na pagalingin ang aking anak na panganay at sa sandaling makahanap ako ng ibang trabaho, lilipat na kami ng lugar, sa malayung-malayo para malimutan ang bangutngot na ito sa aming buhay.

Salamat po at more power. Sana’y kapulutan ito ng aral ng inyong mambabasa.

Gumagalang,

Delia

Dear Delia,

Talagang mapait nga ang naging karanasan mo at ng iyong anak at iba pang miyembro ng pamilya.

Bilang isang magulang na dapat sana’y siyang nagtatanggol at kumakalinga sa kanyang anak, ang batugan mong asawa ay tila halimaw na siya pang nanila sa laman ng kanyang laman.

Nawa’y bumalik din ang katinuan ng isip ng iyong anak. Makabubuti nga na mangibang lugar kayo para makalimot.

Hinahangaan kita sa tatag ng iyong loob sa pagharap sa problema at sa pagsisikap na maita­guyod ang mga anak.

Huwag kang mawalan ng tiwala sa Pangi­noon. Hindi ka Niya pababayaan. Malilimot mo rin ang karanasang ito.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

AKING

ANAK

BILANG

DEAR DELIA

DELIA

DR. LOVE

GITNANG SILANGAN

LIBANGAN SECTION

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with