^

Dr. Love

Wanted Lifetime Partner

-

Dear Dr. Love,

Dating OFW po ako, tatlong taon na nag­trabaho sa Saudi Arabia. Nang makatapos ako ng aking kontrata, hindi ko na ni-renew iyon at umuwi na ako sa Pinas. Nakaipon na ako ng kaunting puhunan at dito na ako nagpundar ng maliit na negosyo. Nakabili na ako ng kapirasong lote at bahay. Handa na sana akong magpa­milya. Pero nabansot ang pangarap kong ito.

Ako nga pala si Alvin Alvarez, binata, 34-anyos na at ako po ay tubong Atimonan, Quezon.

Nasa 20-anyos pa lang ako Dr. Love nang unang ma-inlove. Kargador lang ako noon sa palengke at walang maipagmamalaki kundi ang malinis kong hangarin sa unang babaeng minahal. Pero ang masaklap, kahit tapat ang damdaming laan ko para sa kanya minaliit niya ang aking pagmamahal. Hinamak niya ang aking pagkatao.

Iyon ang naging daan para magsikap akong maghanap ng trabaho abroad at hindi naman ako pinagkaitan ng kapalaran. Umibig ako sa ikalawang pagkakataon, si Lea.

Muli pong tumibok ang puso ko nang makilala ko si Lea. Ang akala ko, natagpuan ko na ang babaeng ihaharap sa altar. Pero nabigo ako, dahil sa natuklasan ko may iba siyang kaulayaw kapag wala ako. Nalaman ko ito nang pasur­presa sanang mamanhikan sa kanila. Kahit mahal ko siya, pinilit kong limutin ang nobya ko.

Dumulog po ako sa inyo sa pamamagitan ng liham na ito para magbakasakaling matulungan ninyo akong makahanap ng isang “lifetime partner”­.

Sana’y makatagpo ako ng tunay na pag-ibig. Sa pamamagitan ng column na ito, nais kong magkaroon ng mga kaibigan. Ang cell number ko na puwedeng tawagan ay 09052914972.

Nagpapasalamat na po ako sa tulong ninyo.

Gumagalang at nagpapasalamat,

Alvin Alvarez

Atimonan, Quezon

Dear Alvin,

May kanya-kanyang pamantayan ang bawa’t tao sa hinahanap na makakatuwang sa buhay.

Mayroong ganda ang hinahanap, mayroong sexy, ang gusto at mayroon namang ang gusto ay ganda ng kalooban.

Mahirap pagsama-samahin ang mga kata­ngiang ito sa iisang tao lamang.

Ikaw naman, ang nais mo ay isang tapat na magmahal. Marahil, bunga ito ng naging kara­nasan mo sa pag-ibig, sa dalawang babaeng minahal.

Ang una, minaliit ka, ang pangalawa, nobya mo pa lang ay kinaliwa ka na. Ang ibig sabihin ng una, materyoso; ang hanap naman ng panga­lawa ay ‘passionate love affair’ dahil ang sabi mo sa iyong liham, iginalang mo siya at ang kanyang pagka­babae.

Humanap ka ng katugma ng iyong pansala, ng babaeng nauunawaan ka at may respeto sa iyo. Kilalanin mo ng mabuti ang paglalaanan ng pag-ibig.

Good luck sa paghahanap mo ng makakatu­wang na babae sa buhay.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar.net.ph.)

vuukle comment

AKO

ALVIN ALVAREZ

ATIMONAN

DEAR ALVIN

DR. LOVE

PERO

PORT AREA

QUEZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with