^

Dr. Love

Gay, ibig mag-suicide

-

Dr. Love,

Magandang umaga po sa inyo at sa lahat ng tuma­tangkilik sa kolum na ito. Ako po si Chris nagtatrabaho dito sa United Arab Emirates. Nagmahal po ako ng isang lalaki sa kabila nang ako ay isang lalaki rin. Siya po ay taga Jordan­ (ibang lahi).

Mahal na mahal ko po siya hanggang sa umabot na po sa ganitong sitwasyon na iniwanan ko ang trabaho ko para lang makasama siya. Alam ko po na mahal niya din ako dahil napatunayan ko po ‘yun ng maraming beses, pero hanggang kailan po namin lolokohin ang sarili namin at ang Panginoon sa relasyon namin?

Ayoko pong magkahiwalay kami, pero wala po kaming magagawa sa dahilang pareho lang kaming dayo dito sa UAE. Siya po ay pauwi na sa linggong ito sa bansa nila, at ako naman ay sa susunod na linggo, napakasakit po Dr. Love na magkakahiwalay na kami, wala pong kasigura­duhan na magkikita pa uli kami, natatakot po ako sa maa­aring mangyari sa akin sa dahilang kilala ko po ang aking sarili na mabilis ma-depressed.

 May nakaraan na po ako sa ganitong relasyon at ako po ay nagsubok mag-suicide before nang kami ay maghiwalay ng dati kong kasintahan. Natatakot po ako na baka hindi ko po uli makaya at maaari ko po uli ‘yun gawin, Dr. Love bigyan n’yo po ako ng advise sa lalong madaling panahon bago po mahuli ang lahat sa akin, seryoso po ako Dr. Love. Please po.

 Chris

Dear Chris,

Suicide? Lalo mo lang palalalain ang problema. Nani­niwala ka sa Diyos at umaamin na nagkakasala ka sa Pangi­noon sa ginagawa mo. That means, naniniwala ka sa life after death. Naniniwala ka rin sa langit at impiyerno.

Kung gayon, dapat mo ring paniwalaan na kung kikitlin mo ang sarili mong buhay, sa impiyerno mo itutuloy ang pagmumukmok sa lalung mabigat na problema na wala nang kalutasan. Isipin mo kung gaano kasakit na pakuluan ang iyong kaluluwa sa kumukulong asupre pero hindi ka mama­ matay kundi magsa-suffer ka nang walang katapusan.

Tandaan mo na ang ano mang passion na nararam­daman mo sa sarili ay tawag lang ng laman. Mapag­lalabanan mo iyan kung taus-puso kang magsisisi sa mga kasalanan mo at pabayaang maghari sa iyong puso si Jesu-Cristo.

Kapag namatay tayo sa mundong ito, mas mabuting buhay na walang hanggan ang nakalaan sa atin sa kala­ngitan. Isang kaligayahang walang katapusan na mapa­pasa-iyo kung papaghariin mo si Jesus sa iyong puso. Ang panahon ay hindi mamaya, hindi bukas kundi ngayon.

Kasama mo ako sa panalangin.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

AKO

CHRIS

DEAR CHRIS

DR. LOVE

LOVE

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with