^

Dr. Love

'Makasalanan'

-

Dear Dr. Love,

 I am one of your avid readers. Dr. Love like Nikka, I am somewhat like her too. The only difference is I am married but far from my husband.

Me and my husband talk to each other once in a while. Nasa ibang province kasi siya nagta­trabaho. We both are sexually thirsty that during our course of conversation over the phone we will end up making love at minsan Dr. Love ako’y nagma-masturbate kasi madalas akong ma-arouse even watching over the television na may kissing scene. Ginagawa ko ito Dr. Love maybe twice a week.

Ang tanong ko Dr. Love, ako ba ay normal? Ako ba ay nagkakasala? Please help.

Gumagalang,

Makasalanan

Dear “Makasalanan,”

Hindi kita hinahatulan kundi ikaw ang umamin na ikaw ay makasalanan. Magandang indikasyon iyan dahil ang sabi sa Bible, lahat tayo’y maka­sa­lanan at ang pag-amin nito ay isang hakbang pa­palapit sa kaligtasan. Ang sabi sa Roma 3:23 “lahat ng tao ay nagkasala at hindi umabot sa paman­tayan ng Dios.”

Pero may kasunod iyan. Dapat pagsisihan ang kasalanan at tanggapin sa ating puso si Jesu Cristo bilang Panginoon at tagapagligtas. Sa ganyang taim­tim na panalangin at patuloy na pagbubulay sa Salita ng Dios ay bibigyan Niya tayo ng lakas para ma-overcome ang ano mang tuksong da­rating sa atin.

In your case, vulnerable ka dahil magkalayo kayong mag-asawa. Bakit nga ba? Hindi ka ba puwedeng sumama sa kanya tutal, dito lang naman sa loob ng bansa? Dapat marahil ay huma­nap siya ng ibang trabaho na hindi kayo mag­kakalayo.

Hindi ako pabor sa paglalayo ng mag-asawa dahil hindi makabubuti kanino man (babae o lalaki) ang mag-isa. Kaya nga nilikha rin ng Dios ang babae para hindi nag-iisa ang lalaki.

Mag-usap kayong mag-asawa dahil ang matinding pangungulila ay baka humantong pa sa mas malalang situwasyon gaya ng pakikipag-relasyon sa iba. Isasama kita sa aking personal na panalangin.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan @philstar.net.ph.)

DAPAT

DIOS

DR. LOVE

JESU CRISTO

LOVE

MAG

MAKASALANAN

PORT AREA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with