Dapat ba'ng makialaman sa problema ng mag-asawa?
Itago n’yo na lang po ako sa alyas na FL. Dito po ako sa States nagtatrabaho at ikaw po ang isa sa paborito kong sinusubaybayan.
Meron po akong na-witness at gusto ko po ng iyong payo. May kapitbahay po ako na kasamahan ko sa trabaho pero sa ibang unit kami. Nabalitaan ko po since last year na may boyfriend po siya na Pinoy. (They are both married and both have their families here).
Nakita ko po na pumunta iyong guy sa bahay nila. (Confirmed po na nag-iisa lang ang friend ko nang time na iyon in her house.) Back then we we’re friends so I confronted her in private na if it’s true but she denies it.
I did not tell her husband until now. After that confrontation, nagpasya po ako na hindi na ako manghihimasok, at hindi na n’ya ako pinapansin after the incident.
But yesterday I saw this guy again in her house and she’s alone. I don’t want to make pakialam and my husband told me to leave them alone pero nababagabag po ang aking damdamin.
I don’t want to be noisy but I don’t know what to do. I pity her husband na mabait po naman. Need your advice. Thanks.
Respectfully yours, FL
Dear FL,
Sapat nang napagsabihan mo ang iyong kaibigan sa mali niyang ginagawa. Kung ayaw niyang ituwid ang kanyang landas matapos ito, pananagutan na niya ito sa Diyos. Ipag-pray mo na lang siya na sana’y matauhan at magsisi.
Kung magsusumbong ka sa kanyang asawa, ikaw pa tiyak ang lalabas na kontrabida at tsismosa kahit ang gagawin mo ay bunsod ng pagmamalasakit sa kaibigan. Baka lumabas pang binabaliktad mo siya at may gusto ka lang sa kanyang asawa kaya mo siya sinisiraan. Pero tama ang ginawa mong pagsita sa kanya dahil kung hindi mo ginawa iyan, para kang walang malasakit sa kaibigan. Sabi nga sa Biblia: “An open rebuke is better than concealed love.” - Proverbs 27:5
Now, leave everything to God at Diyos na ang bahalang kumilos sa problema nilang mag-asawa.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)
- Latest
- Trending