^

Dr. Love

Kahit isang kaibigan lang

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at sa lahat na bumubuo ng PSN.

Isa po akong bilanggo at kabilang sa libu-libong tagasubaybay ng inyong column.

Marami po akong pinagdaanan sa buhay. Kabiguan sa pag-ibig, pagsubok at problema sa pamilya.

Pero dahil sa pagbabasa ko ng inyong column, napa­kalaking tulong ang nagawa ninyo para maka-recover ako sa kawalang pag-asa sa buhay at patuloy na magtiwala sa Diyos at awtoridad para umasa sa isang magandang bukas na naghihintay para sa akin sa labas ng piitan.

Kahit ako noon ay hindi sumusulat sa inyo, sa pag­babasa ko lang ng pitak na Dr. Love, gumagaan na ang pakiramdam ko. Naihahambing ko kasi ang kalagayan ko sa iba ninyong letter senders.

Kung ihahambing ko ang problema ko sa ibang nalathala na ang mga liham, mas magaan pa ang suliranin ko at kayang malunasan huwag lang bibitiw sa Panginoon.

Pero ang unti-unting kumikitil sa buhay ko dito sa loob ay ang kalungkutan.

Malayo sa pamilya at mga kaibigan. Kaya ang tanging hangad ko, magkaroon ako ng kaibigan sa panulat na makakaunawa sa aking kalagayan at magsisilbing inspirasyon sa tuluy-tuloy na pagbabago.

Sana po, sa pamamagitan ng inyong pitak, magkaroon ako ng kahit isa lang na kaibigan na makakahingahan ko ng problema at katapatang loob.

Umaasa po akong hindi ninyo ako bibiguin sa hiling kong ito. Maraming salamat po at more power.

Marvin Soriano

MSC Camp Sampaguita

Bldg. 2 Cell 233

Muntinlupa City 1776

Dear Marvin,

Maraming salamat sa liham mo at sa tiwalang ibinibigay mo sa pitak na ito.

Alam mo, ang kabiguan sa buhay ay kaakibat na ng mga pamumuhay natin dito sa mundo.

Hindi sa lahat na pagkakataon ay masaya tayo at walang problema. Kaya marahil tayo binibigyan ng lungkot ay para namnamin natin ang tamis ng tagumpay at kaligayahan. Kung wala kasing lungkot hindi natin malalamang mayroong tuwa at ligaya.

Sana, sa pamamagitan ng pitak na ito, makahanap ka ng tunay na kaibigan na makakaramay mo sa tuwa at lungkot ng buhay. Pero hindi ka dapat na magmukmok sa isang sulok dahil malayo ka sa pamilya at nag-iisa sa malamig mong selda.

Alam mo, magdasal ka lang, mapapawi ang lungkot mo.

Umasa kang makakahanap ka ng kahit isang kaibigan na magbibigay sa iyo ng inspirasyon sa buhay.

Good luck at hangad ng pitak na ito na matagpuan mo ang hanap na katapatang loob.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

ALAM

CAMP SAMPAGUITA

DEAR MARVIN

DR. LOVE

KAYA

MARAMING

MARVIN SORIANO

MUNTINLUPA CITY

PERO

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with