^

Dr. Love

Silahis

-

Dear Dr Love,

Tawagin mo na lang akong Bruce. Isa akong bisexual matagal ko na gustong mag-email sa iyo kaso nahihiya ako. Alam mo madami ako natu­tunan sa mga payo mo lalo na sa mga taong sumu­sulat sa’yo lalo na ‘yung mga preso.

Nine years old pa lang ako ‘di ko alam ang totoo kong pagkatao naa-attract ako sa babae pero mas na-attract ako sa lalaki kaso tinago ko to dahil ayoko layuan ako ng mga kaibigan ko. Third year high school ako nang maka-experience ng sex sa same sex.

D’un hinahanap-hanap ng katawan ko. Akala ko matatakasan ko ang bangungot ko nung high school ako kaso nagkamali ako dahil lalo na ‘yung nakilala ko si Greggy 1st yeart college.

Kinaibigan ko siya kaso hanggang dun lang ang kaya ko dahil takot ako na baka lumayo siya sa’kin lalo na kapag nalaman niya na ‘di ako 100% straight guy.

Kaya instead na ma-in-love ako ng todo sa kanya ako na lang ang lumayo. Now, 27 years old na ako, naaalala ko ang past pero ito pa rin ang magandang alaala sa’kin. Hindi naman ako pangit, average lang. Pero hindi naman tulad ng ibang tao na sasabihin lalaki sila pero parang bading kumilos, iba ako tago ang kilos ko.

Hihingi sana ako ng payo sa’yo Dr, Love kasi kapag my problema ako naghahanap ako ng ka-sex lalo na sa same sex kapag nakatapos na parang dun ko naire-release ang galit ko at sama ng loob.

Simula nang nahuli ako ng mama ko na tumatakas ako ng madaling araw at tinatanong ako kung saan ako nagpupunta dine-deny ko lang. Minsan naisip ko na magpatingin sa psychiatrist kaso wala akong sapat na pera dito.

Sana mabigyan mo ako ng payo. Hihingi na rin ako ng mga kaibigan sa inyong column at payo na rin. Umaasa ako na mabigyan mo ako ng payo.

Salamat po.

Bruce

[email protected]

Dear Bruce,

Marami ang katulad mo. Ang iba’y tanggap na sa sarili ang pagiging bading o silahis at ang iba’y nagsisikap magbago.

Marami akong nakilalang nagtagumpay sa hangaring ma-overcome ang homosexuality. Sila ‘yung mga tumanggap kay Jesu Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Hindi natin kayang baguhin ang ating mga sarili pero sa Dios ay walang imposible. Hindi ako homophobic pero hindi ko pinapaboran ang homosexuality dahil ito’y labag sa Salita ng Dios. Gayunman, hindi rin dapat kondenahin ang mga katulad mo na kagaya ng iba’y mahal din ng Dios.

Tanging Dios lang ang puwedeng bumago sa atin kung ganap nating isusuko ang ating sarili sa kanya.

Sa 2 Corinto 5:17, ng Biblia, sinasabi na ang sino mang nakipag-isa kay Cristo Jesus ay bagong nilalang.

Magbulay ka sa Salita ng Dios at manalangin ng taimtiam at papasukin si Jesus sa iyong puso matapos pagsisihan ang iyong mga kasalanan at isang malaking himala ang magaganap sa iyong buhay. Kasama mo ako sa panalangin.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar.net.ph.)

AKO

CRISTO JESUS

DEAR BRUCE

DIOS

DR LOVE

DR. LOVE

HIHINGI

JESU CRISTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with