Long Distance Affair
Dear Dr. Love,
Tawagin n’yo na lang ako na Ms. Scorpio ng Bataan.Magti-three years na po kami ng boyfriend ko at long distance relationship ang relasyon namin.
Taga-Pangasinan po siya. Kilala na s’ya ng family ko even my relatives at ganun rin ako sa kanila. Every 3 months kung magpunta s’ya dito sa Bataan. Ang kinaiinis ko lang po wala siyang masyadong time sa akin. Ako everyday akong nagte-text sa kanya at twice or trice ako kung tumawag sa kanya.
Sabi niya madalang siyang mag-text sa’kin dahil “walang load.” Hindi niya magawa man lang na mag-paload kahit ng 10 na good for 10 days na ‘yun. Kung hindi ko pa siya pasahan or paloadan hindi niya ko maite-text.
Sa tingin ninyo po ba as girlfriend may karapatan ako na mag-demand ng time niya? At ang pinakagumugulo sa akin ay sa katulad po namin na long distance ang relasyon mapaparamdam po ba niya sa akin na mahal niya ko kung hindi niya nga ako binibigyan ng oras?
Para kasi sa kanya kahit daw gaano pa kami katagal na hindi magkita at mawalan ng komunikasyon ang importante mahal niya ko. Sapat ba ‘yung sinabi niya na ‘yun? Sana po ay agad ninyo akong matulungan sa aking problema Dr. Love.
Marami pong salamat kung ang aking email ay inyong mabibigyan ng atensyon.
Gumagalang,
Ms. Scorpio Girl ng Bataan
Dear Ms. Scorpio Girl,
Kung totoo lahat ang isiniwalat mong kapintasan ng boyfriend mo sa akin, wala ako’ng makita ni katiting na concern niya para sa iyo. Pero hindi kaya nagiging over-possessive ka lang kaya napakalaki ng kapintasang nakikita mo sa kanya?
Anyway, kung walang labis at walang kulang ang isinumbong mo sa akin, bigyan mo siya ng ultimatum para magbago. Kung hindi pa rin tatalab ang estilong ganito, kalimutan mo na lang siya imbes na boyfriend mo nga siya pero puro hinanakit ang dulot sa iyo.
Pero tandaan mo ito, walang taong perpekto. Madalas may ideya tayo ng perpektong taong gusto nating maging lifetime partner pero lagi tayong nabibigo dahil sa tunay na buhay, marami tayong kapintasang makikita sa ating kapwa lalu pa’t nakakarelasyon natin.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)
- Latest
- Trending