^

Dr. Love

Hinaing ng taho vendor

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw at masiglang pagbati sa inyo. Malugod po akong sumulat sa inyo sa pag-asang mapapaunlakang mailathala ang aking sulat.

Tulad ng ibang lumiliham sa inyo, may mabigat akong problema sa pag-ibig. Tawa­gin n’yo na lang akong Ambo, 24 anyos at isang taho vendor.

Sa aking paglalako tuwing umaga, nagkaroon ako ng suki. Magandang dalaga na nagpatibok sa aking puso. Malambing siya sa akin at laging nakangiti kaya inakala kong may gusto siya sa akin. Tumibay ang paniniwala ko tungkol dito dahil kapag hindi ako nakakapagtinda ay nami-miss niya daw ako. Kaya sumulat ako at nagtapat ng aking pag-ibig.

Pero mula noon ay hindi na siya nag­pakita. Ngayo’y may dalawang buwan ko na siyang hindi nakikita. May nakapagsabi sa akin na lumipad na siya at ang kanyang pamilya papuntang California. Ano ang gagawin ko?

Ambo

Dear Ambo,

Maaaring ang pagpapakitang-giliw sa iyo ng babaeng ‘yon ay napagkamalan mo lang na may gusto rin siya sa iyo. Tingin ko, desis­yon niyang huwag nang magpakita sa iyo matapos mabasa ang love letter mo.

Hindi masamang umibig ang isang ordi­naryong tao sa isang may-kaya pero kung min­san, may mga nabibigo. Marahil kabi­lang ka sa mga bigo.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

ANO

DEAR AMBO

DR. LOVE

KAYA

LIBANGAN

MAAARI

MAGANDANG

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with