^

Dr. Love

Nagbunga ang kapusukan

-

Dear Dr. Love,

Ilang taon na rin po n’yo akong tagahanga ng kolum na Dr. Love at lagi ko itong sinusubaybayan. Tawagin mo na lang po akong Louie ng Caloocan, 25 years old at isang nursing graduate.

Nagsimula po ang problema ko nang malaman kong nagbunga ang isang gabing kapusukan namin ng aking naging girlfriend. Hindi ko po siya totoong mahal.

Nang kami lang po noong minsang magkayayaan ang aming mga kaibigan, nagkainuman at nalasing ako.

Niyaya na niya akong pakasal dahil sa matinding pangamba na hindi siya mapapatawad ng kanyang mga magulang dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis niya.

Iniisip kong ipa-abort ang bata dahil isang buwan pa lang. Nalilito na po ako at hindi matiyak kung ano talaga ang dapat gawin. Tulungan po ninyo ako, Dr. Love.      

Louie

Dear Louie,

Una sa lahat ay walang sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay na ipinahiram lamang sa atin ng Lumikha. Kaya ngayon pa lang ay tanggalin mo na sa isip mo ang masamang balak sa sanggol sa sinapupunan ng iyong girlfriend.

Magpakalalaki ka at harapin ang iyong pananagutan. Ginawa mo iyan at kahit sabihin pang bunga ‘yan ng kalasingan at kapusukan, walang ibang mananagot diyan kundi ikaw.

Kausapin mo ang mga magulang ng girlfriend mo tulad ng isang maginoo upang bumuo kayo ng solusyon kung papaano lulutasin ang problema.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

CALOOCAN

DEAR LOUIE

DR. LOVE

GINAWA

ILANG

INIISIP

KAUSAPIN

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with