^

Dr. Love

Hindi natuloy ang kasal

-

Dear Dr. Love,

A pleasant good day to you!

Ang akala ko noon, masisiyahan na lang ako sa pagbabasa ng karanasan ng marami ninyong tagahanga, pero darating din pala na ako naman ang lalapit sa inyo para humingi ng payo.

Ikakasal na sana kami ni Delia nang maganap ang insidenteng nagpabago sa takbo ng lahat. Nabilanggo ako nang masaksak ang lalaking nagtangkang humalay sa aking kasintahan. Bagaman isinuko ko ang aking sarili ay nananatili pa rin ang pananagutan ko sa batas.

Subalit ang masaklap sa halip na suporta ay tinalikuran na ako ng aking nobya. Kay rupok ng kanyang pag-ibig. Pinalitan na niya ako.

Magsisi man ako sa nangyari, huli na.

Ang dalangin ko lang po, malampasan kong lahat ang pagsubok sa aking buhay at sana’y makatagpo ako ng babaeng magmamahal sa akin ng tapat, sino man ako at anuman ang aking nakaraan.

Salamat po at more power to you.

Lubos na gumagalang,

Johnny Linggong

Bldg. 2 Dorm 213

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Johnny,

Bagaman masakit ang pangyayaring naga­nap sa buhay mo, dapat mong ipagpasalamat na nakilala mo nang maaga ang hilatsa ng ba­baeng sana’y pakakasalan mo.

Marahil, ninais ng tadhana na maganap ang pangyayaring ito para iiwas ka sa mas masakit na karanasan kung naging asawa mo na siya.

Makatatagpo ka pa ng ibang mas karapat-dapat sa iyong pagmamahal.

Pagbutihin mo ang rehabilitasyon diyan para makalaya ka agad.

Dr. Love

AKO

BAGAMAN

CAMP SAMPAGUITA

DEAR JOHNNY

DELIA

DR. LOVE

IKAKASAL

JOHNNY LINGGONG

LUBOS

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with