Mahirap ligawan
Dear Dr. Love,
Una sa lahat, sana po ay sapitin kayo ng liham na ito na nasa mabuting kalagayan. Tawagin mo na lang akong Lito, 35 anyos. May nililigawan ako, si Norma. Past 30 na rin na gaya ko at wala pang boyfriend. Matagal na akong nanliligaw pero hindi ko pa masungkit ang kanyang matamis na oo. Basta ang sagot niya’y ayaw niyang makipag-boyfriend kahit kanino. Hindi po naman siya tomboy dahil babaeng-babae naman siya. Kung minsan, iniisip ko na daanin ko na lang siya sa dahas. Ano sa palagay mo, Dr. Love?
Lito
Dear Lito,
Naku, sabit ka kapag dinaan mo siya sa dahas. Kung wala kang tiyagang maghintay, manligaw ka na lang sa iba. Delikado kapag nakasuhan ka ng rape. Sa tinagal-tagal ng panliligaw mo, baka talagang walang gusto sa iyo ang babae. Matuto kang harapin ang katotohanan. Hindi lang naman siya ang babae sa mundo. Humanap ka nung may gusto rin sa iyo.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.
- Latest
- Trending