Payo ng magulang
Dear Dr. Love,
Bago ang lahat ay bayaan mo muna akong bumati sa iyo at sa lahat ng mga sumusubaybay sa malaganap mong kolum.
Tawagin mo na lang akong Pink Rose. Nagtatrabaho ako bilang clerk sa isang law firm.
Tulad ng ibang sumusulat sa iyo, mayroon akong mabigat na problema sa pag-ibig. Alam kong matutulungan mo ako sa pamamagitan ng maganda mong payo.
Tatlong buwan ko nang kasintahan si Rommey at komo pareho kaming nasa hinog na gulang (30 siya at 27 ako), nagpasya kaming magpakasal na. Sabi ng mga magulang ko, bakit napakabilis naman.
Sa totoo lang, naipakilala na ako ni Rommey sa kanyang mga magulang. Matanda na ang mga parents niya at mababait. May kaya rin sila sa buhay dahil may-ari ng malaking restaurant.
Old fashion kasi ang mga magulang ko at ayaw nila ng parang whirlwind courtship. Ang payo nila ay patagalin pa ang aming engagement para makilala ng lubusan ang isa’t isa.
Pero nagmamadali ang boyfriend ko at para bang naiinis siya kapag sinasabi ko ang kagustuhan ng mga magulang ko. Ano ang dapat kong gawin?
Pink Rose
Dear Pink Rose,
Sa tingin ko naman ay nasa tamang edad na kayo ng boyfriend mo para magdesisyon sa sarili. At kung inaakala mong kilalang-kilala mo na ang kasintahan mo, sumigi kayo sa inyong balak. Ang papel ng magulang ay magpayo sa mga anak at hindi manghi masok sa kanilang mga plano basta’t ang mga anak ay nasa tamang edad na.
Dr. Love
- Latest
- Trending