^

Dr. Love

Kasal-kasalan

-

Dear Dr. Love,

Lakip sa aking pambungad na bati ay ang pag-asang mapapaunlakan mong mailathala ang aking sulat. Ako po si Anna, 27-anyos at isang call center agent.

Naglakas loob akong lumiham sa iyo tungkol sa aking problema sa pag-ibig. Noong ako’y high school pa, sa edad na 15 anyos ay nagkaroon ako ng boyfriend na kasing-edad ko. Bunga ng kapusukan at kawalan ng pagkaunawa sa pag-ibig. Nagpa-secret married kami sa isang malayung probinsya. Hindi ko alam kung legal ang kasal na ‘yon na ginawa ng isang protestant pastor na binayaran ng aking boyfriend ng five hundred pesos.

Matagal na panahon na iyon at nagka­hiwalay din kami ng boyfriend ko at halos nalimutan ko na nga ang “kasalan” na ‘yon.

May kasintahan ako ngayon at niyayaya akong magpakasal. Pero naalala kong bigla ang kasalang iyon. Baka maging hadlang sa plano naming pagpapakasal ng aking kasintahan. Paano ko malalaman kung tunay ang kasalang ‘yon?

Anna

Dear Anna

Kahit hindi ako abogado, tiyak kong kasal-kasalan lang ang nangyaring ‘yon. Una, sa edad na kinse ay hindi kayo puwedeng ikasal. Labag sa batas iyan. At kung pineke ninyo ang inyong edad, infirmity pa rin iyan sa inyong kasal at matibay na ground para ito mapa­walan ng bisa. Para makaseguro ka, magta­nong ka sa NSO na siyang nag-iingat ng lahat ng record ng mga tao. Pero I still believe na ang nagkasal sa inyo ay pastor-pastoran lang na ang hangad ay kumita ng pera at imbalido ang naganap na kasal-kasalan.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their fa­milies in different parts of the world. - Dr. Love

vuukle comment

BUNGA

DEAR ANNA

DR. LOVE

KAHIT

LABAG

LAKIP

MATAGAL

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PERO I

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with