Iginanti si utol

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw sa inyong malaganap na pahayagang PSN.

Ako po si Jonathan Climaco, 31 years old na masugid na tagasubaybay ng inyong pitak na Dr. Love. Lumiham po ako para maibahagi ang aking karanasan. Ang pagkakasalang ito ay inihihingi ko ng kapatawaran sa Panginoon.

Taong 2001 po noon, pauwi na ako galing sa pinapasukang club nang makita kong duguang nakahandusay ang aking kapatid na pinagtulungan ng siga sa aming lugar.

Nadala ko pa siya sa ospital pero hindi na nakaligtas. Dahilan kaya naisip ko ang ipaghiganti siya. Isa sa responsable ay itinumba ko dahilan para ako’y dakpin para ikulong hanggang masintensiyahan.

Nangungulila man ako sa aking pamilya, pero pinagbubuti ko pa rin ang pag-aaral dito para magamit sa sandaling makalaya na.

Dr. Love, tulungan mo akong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat at magkaroon ng bagong inspirasyon sa buhay.

Thank you very much sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Regards and more power.

Sincerely,

Jonathan Climaco

Dorm 4-C MSC

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Jonathan,

Salamat sa liham mo. Sayang nga lang at nailagay mo sa iyong mga kamay ang batas na dapat ay idinaan mo sa legal na proseso. Pagbutihin mo ang rehabilitasyon sa loob para mapabilis ang paglaya mo.

Patuloy ka rin magtiwala sa Panginoon dahil hindi ka Niya pababayaan.

Dr. Love

Show comments