^

Dr. Love

Mahal ko siya, iba ang mahal niy

-

Dear Dr. Love,

Hello at kumusta ka Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Rachell, 21 anyos.

Sumulat po ako sa inyo dahil sa aking problema sa pag-ibig. Mayroong nanliligaw sa akin na hindi ko gusto. Mayroon naman akong gustong-gusto pero iba ang niligawan at ngayon ay magka­sintahan na sila.

Ginawa ko na ang lahat para mapansin niya ako pero wa-epek. Bakit kaya ganoon? Kung sino ang mahal mo ay ayaw sa iyo habang ang inaayawan mo ay pilit na nanliligaw.

Masama ba kung ako na ang magtatapat sa kanya kahit mayroon na siyang kasintahan.

Tulungan mo ako Dr. Love.

Rachell

 

Dear Rachell,

Kailan man ay hindi maganda sa babae ang manliligaw sa lalaki. At lalung pangit na ikaw ay nang-aagaw ng pag-ibig sa iba. You make yourself very cheap and without dignity.

Dapat mong harapin ang katotohan na walang gusto sa iyo ang lalaking iyon.

Kung patulan ka man niya dahil sa iyong persistence, malamang ay paglalaruan ka lang niya. Kasi, pinabababa mo ang iyong dangal.

Ang babae’y may dignidad na dapat panga­lagaan.

Sa gulang mo ngayon, may isip ka na at talino para malaman na ang panliligaw ng babae sa lalaki ay kawalan ng mabuting asal.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different­ parts of the world. - Dr. Love

vuukle comment

BAKIT

DAPAT

DEAR RACHELL

DR. LOVE

GINAWA

KAILAN

KASI

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

RACHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with