^

Dr. Love

Nadenggoy

-

Dear Dr. Love,

Una po sa lahat, masaganang pangungumusta.

Ako po si Paul Rico Tagle, 24-anyos at kasalu­kuyang nakapiit sa pambansang bilangguan.

Labing-walong taong gulang pa lang ako nang manilbihan sa naging hatol ng korte na mula 8-12 taong pagkabilanggo sa isang pagkakasalang hindi ko ginawa. Biktima ako ng pangdedenggoy. 

Isa po akong tricycle driver, naghahanda nang pakasal nang mangyari ang lahat.

Isang babae ang umarkila sa akin. Nagpa­pahatid at nagpapahintay siya sa pupuntahan naming lugar kung saan maniningil daw siya ng pautang.

Pero niloko niya ako dahil isa pala siyang akyat-bahay. Nakatakas na siya matapos looban ang bahay na pinaghatidan ko sa kanya. Natuklasan ito ng may-ari ng bahay. At dahil nalaman nilang hinihintay ko ang babae, ako ang ipinadakip nila. Hindi ko naisalba ang aking sarili dahil wala akong budget. Wala akong mahusay na tagapagdipensa sa kasong isinampa laban sa akin. Naisahan na ako, iniwanan pa ng babaeng minamahal ko.

Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Ngayon ay nag-aaral ako dito sa loob para mapaunlad ang aking kaalaman.

Salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito at sana ay matulungan ninyo akong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.

Gumagalang,

Paul Rico Tagle

Student Dorm 232

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Paul,

Masakit nga ang dumanas ng “double whammy”. Naloko ka na ng iyong pasahero, ini­wan ka pa ng minamahal mo. Pero dapat sana iniapela mo ang kasong ito para napababa pa ang sentensiya mo.

Anyway, ang sabi mo nga, wala kang kamu­wang-muwang sa batas at wala ring pera para sa iyong depensa. Mayroon namang mga libreng abogado ang gobyerno na dapat sana’y nahingan mo ng tulong.

Magkagayunman, pagbutihin mo ang pag-aaral diyan sa loob. Sapagkat natitiyak ng pitak na ito na sa bandang huli, bibihisin din ang mga taong ipinagdusa mo sa kulungan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BIKTIMA

DEAR PAUL

DR. LOVE

GUMAGALANG

ISA

ISANG

PAUL RICO TAGLE

PERO

STUDENT DORM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with