^

Dr. Love

Nagdadahilan ang gf

-

Dear Dr. Love,

Kumusta ka Dr. Love?   Tawagin mo na lang akong Jason. Gusto ko sanang isangguni sa iyo kung ano ang dapat kung gawin. Kakaiba kasi ang inuugali ng aking girlfriend. Itago na lamang natin siya sa pangalang Shane. Magdadalawang taon na ang aming relasyon at ngayon ko lamang sa kanya napansin ang madalas na pagdadahilan sa tuwing aayain ko siyang lumabas kami. Sa palagay mo ba Dr. Love, nanlalamig na siya sa akin?

Jason

Dear Jason,

Likas sa tao ang magpabago-bago ng ugali. Pero sa sitwasyon ninyo na magkarelasyon, mahalagang malaman mo agad ang estado mo sa kanya. Kausapin mo siya nang personal para liwanagin ang lahat. Gawin mo ito sa mahinahon at puno nang respetong paraan. Dahil hindi ka nakatitiyak sa maaaring kahinatnan, ihanda mo rin ang iyong sarili sa possible mong malaman.

Hangad ko na maging maayos ang lahat sa inyong dalawa ng girlfriend mo.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

vuukle comment

DAHIL

DEAR JASON

DR. LOVE

GAWIN

HANGAD

ITAGO

KAKAIBA

KAUSAPIN

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with